==== News Updates ==== Super typhoon ‘Yolanda’ papasok sa - TopicsExpress



          

==== News Updates ==== Super typhoon ‘Yolanda’ papasok sa PAR Ni Angie dela Cruz, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) | Updated November 6, 2013 - 12:00am MANILA, Philippines - Binalaan ng PAGASA ang publiko na maghanda sa papasok na bagyong “Yolanda” sa Philippine Area of Responsibility na inaasahan nilang magi­ging isang super typhoon. Ayon kay Glaiza Esculiar, weather forecaster, ang naturang bagyo ka­pag pumasok sa PAR ay inaasa­hang may lakas na aabot sa 185 kilometro bawat oras. Sinabi ni Esculiar na ang bagyo na may international name na Haiyan ay patuloy pang luma­lakas habang humihigop ng ha­ngin sa karagatan. Anya, inaasahang aabot sa 185 kilometro bawat oras ang lakas ni “Yolanda” pagpasok sa Pilipinas ngayong Miyerkules. Sa pinakahuling trac­king ng PAGASA, patuloy na tinutumbok ng bagyo ang direksyong Eastern Visayas, diretso ng Central Visayas hanggang Panay Island at babagtasin ang Southern Tagalog o bahagi ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan Bunsod nito, umalerto na kahapon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay ng nagbabad­yang pagpasok ng super typhoon. Ayon kay NDRRMC spokesman Major Rey Balido, itinaas ang blue alert o heightened alert status sa Central at Wes­tern Visayas, Eastern Visayas, Region V, Region IV A (Calabarzon), Region IV B (Mimaropa), Nor­thern Mindanao, Caraga at maging ang Metro Manila. Ang blue alert ang ikalawa sa pinakamataas na alerto na ang ibig sabihin ay may paparating na bagyo. Samantalang ang red alert ay ang pinakamataas na ang ibig sabihin ay humagupit na ang bagyo na pumasok sa teritoryo ng bansa habang ang white alert ay ang pinaka-kalmadong alerto. Inalerto na rin ang Central Visayas partikular na ang Bohol na hindi pa nakakabawi sa 7.2 magnitude ng lindol noong Oktubre 15 dahil sa posibleng landslide at flashflood. Maging ang Bicol at Eastern Visayas ay pi­nag­hahanda sa paparating na bagyo na magdudulot ng malalakas na pag-ulan at ihip ng hangin. Sa ipinalabas na babala ng US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), ikinategor­ya dito ang supertyphoon na may taglay na lakas ng hangin sa bilis na 234 kph o higit pa.
Posted on: Wed, 06 Nov 2013 14:45:22 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015