PAALALA PO SA MGA ILLEGAL WORKERS NA NASA SAUDI ARABIA. Ang - TopicsExpress



          

PAALALA PO SA MGA ILLEGAL WORKERS NA NASA SAUDI ARABIA. Ang palugit na itinakda ng Ministry of Labor ng Saudi Arabia sa November 3, 2013 ay hindi na po ipapa-extend ng pamahalaan ng Saudi Arabia. Simula sa Nov. 4 (Lunes), kanila nang susuyurin ang mga tanggapan, kabahayan, mga motorista sa kalye at expat na kakakalat-kalat sa mga pampublikong lugar. Ito po ang panuntunan ng Ministry of Interior ng KSA na akin pong sapilitang isinalin sa ating sariling wika upang maunawaan ng mas nakararami. Sinuman sa mga sumusunod ay idedeport: 1. May mga expired Iqama 2. Yun pong mga nagtatrabaho sa mga hindi nila kafeel o sponsor 3. Yun pong mahuhuli na gumagawa ng trabaho na hindi naaayon sa nakasaad sa kanilang iqama. 4. Mga nagmamay-ari ng negosyo o nagsisilbi sa mga tanggapan maliban sa kanilang sponsor. Kasama po rito ang mga nagsa-sideline sa iba. 5. Mga kawani ng real estate, reception, security at metallic works. 6. Mga kawani ng construction at pampublikong serbisyo na ang edad ay 40 o higit pa, may malubhang karamdaman o dili kaya ay paralisado na. 7. Mga kasambahay, tsuper at sekyu na nagsa-sideline sa ibang tao maliban sa kanilang sponsors. Ang mga tsuper ay dapat na nagmamaneho ng mga sasakyang pagmamay-ari lamang ng kanilang sponsor at ang mga sekyu ay nagbabantay lamang ng mga gusali o pamamahay ng kanyang sponsor. Ang mga kasambahay ay dapat maglingkod lamang sa kanilang mga sponsors. 8. Ang mga guro--babae man o lalaki--na nagtuturo sa mga pribadong paaralan na ang sponsor ay hindi ang may-ari ng eskwelahan. Pag nahuli, ipasasara ang paaralan, babawiin ang lisensya nila at papatawan ng kaukulang multa. Lahat ng mga expat na kawani ng paaralan ay ipadedeport din at pagbababawalan na ang may-ari ng paaralan na kumuha ng mga kawani at guro mula sa ibang bansa. Ito ang mga hakbangin na ipatutupad ng mga maykapangyarihan: 1 . Ang inspeksyon ay ipatutupad ng Passport Department (Jawasat), police patrols, traffic police, at mga kaugnay na tanggapan tulad ng inspektor ng kanilang pamahalaang local, Ministry of Labor at Ministry of Education. 2. Magpapatupad ang mga kinauukulan ng pagsosona at susuyurin nila ang mga flats, bahay at gusali. Magsasama sila ng mga babaing inspektor para ma-check ang family flats. 3. Buong pamilya ang ipapadeport nila pag isa sa mga miyembro ay napatunayang illegal. 4. Para sa mga kawani ng tanggapan-Ang propesyunal na karanasan at kaukulang mga dokumento (diploma, transcript, lisensya) na nagpapatunay ng kanilang propesyon ay dapat consistent o naaayon sa kanilang posisyon sa kumpanya at sweldong natatanggap. 5. Ipapadeport ang mga expat na may mga naka-pending na kaso, mga sentensyado at yaong mga ex-convict kahit sila ay nabigyan na ng kapatawaran. 6. Ipapadeport ang mga expats na may traffic violations na lagpas na sa itinakda ng batas. 7. Maliban sa iqama, ipapadeport din ang mga hindi nag-renew ng kanilang mga driver’s license, car registration at iba pang lisensya na itinakda ng batas. Ito ang “mekaniks” o proseso ng kanilang kampanya: 1. Ipatutupad ang inspeksyon sa humigit-kumulang 500,000 gusali sa buong kaharian. 2. Ang multa ay pwedeng umabot ng SR100,000 kasama ang parusang pwedeng umabot ng isang taon para sa mga nagkakanlong o nagpapatrabaho sa mga unsponsored workers. 3. Sinumang Saudi na mahuling nagpapatrabaho o nagkakanlong ng unsponsored worker ang syang magbabayad ng lahat ng gastusin sa pagpapauwi sa kanila. 4. Ang inspeksyon ay ipatutupad 24/7 anumang oras gabi man o umaga, sa buong kaharian. 5. Sakop ng kampanya ang mga ospital, paaralan, mga tindahan, shopping malls, mga pabrika, mga farms at lahat ng lugar na madalas pagtambayan ng mga expats, kasama na ang mga mosque na kadalasang ginagawang taguan ng mga illegals. 6. Lahat ng mga ipadedeport ay ilalagay sa black list at hindi na maaaring bumalik pang muli sa Saudi Arabia forever. 7. Ang mga employer na nagkakanlong o nagpapatrabaho ng unsponsored worker ay hindi pahihintulutang kumuha ng panibagong visa sa kaukulang panahon na itatakda ng batas. 8. Paparusahan ang mga may-ari ng flats at apartments na nagpaparenta sa mga unsponsored workers. 9. Inaasahan ng mga kinauukulan na ang kampanyang ito ay magpapa-alis ng 3 hanggang 5 milyong illegal workers na kasalukuyang nagtatrabaho sa Saudi Arabia. MARAMING SALAMAT PO! (Paki copy and paste na lang po itong translation at ikalat sa mga kababayan natin sa Saudi Arabia.)
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 02:28:00 +0000

Trending Topics




© 2015