PAGASA weather forecaster Joey Figuracion on DZMM: -Isang - TopicsExpress



          

PAGASA weather forecaster Joey Figuracion on DZMM: -Isang panibagong LPA ang namataan sa layong 1,340 kilometro silangan ng Southern Mindanao. Nakapaloob pa rin ito sa ITCZ. - Samantala, ang mahinang Habagat ang umiiral ngayon sa kanlurang bahagi ng Luzon. Dahil dito, ang MIMAROPA at Kanlurang Kabisayaan ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. - Bahagyang maulap naman ang aasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ngunit asahan pa rin ang pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. [pia-jd]
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 00:28:37 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015