`PARA SIYANG SUPERMAN LUMIPAD SA ROOFTOP!’ Ni Juliet de - TopicsExpress



          

`PARA SIYANG SUPERMAN LUMIPAD SA ROOFTOP!’ Ni Juliet de Loza-Cudia Ganito inilarawan ng vendor na si Cris Suratos ang nasaksihang pagpapakamatay ng isang 19-anyos na lalakeng graduating student ng University of Santo Tomas (UST) na tumalon mula sa rooftop ng isang condominium building sa Malate, Maynila kahapon ng hapon. Nakilala ang sinasabing nag-suicide sa pangalang Leonard Joseph Torres, 19-anyos, Physical Therapy student ng UST. May iniwan umanong suicide letter ang nasawi kung saan nakasaad dito ang kanyang mga hinanakit na siyang pinaniniwalaangnagtulak sa kanya para magpakamatay. “Im not a P.T. All those days that I tried. I failed I thought that it would get better but it didn’t. It get worst. I was giving up,until today where I can’t do anything. Anymore. I give up,” bahagi umano ng suicide letter ng biktima. Nagpakamatay si Torres sa pamamagitan uamno ng pagtalon mula sa ika-27 palapag ng Kassel Condominium na matatagpuan sa panulukan ng Taft Avenue at Vito Cruz Street sa Malate dakong ala-1:45 kahapon ng hapon. Samantala, ipinapalagay nina SPO2 Marlon San Pedro at SPO1 Ronald Gallo, mga imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, na hindi na umano nakayanan marahil ng biktima ang matindng galit na kinikimkim sa kanyang mga magulang nito na nagpumilit sa kanya na kumuha ng kursong Physical Therapist kaya ipinasiyang magpakamatay. Nalaman na graduating student na umano ang biktima at kasalukuyang nagte-training sa isang tanggapan sa Makati City. “Bago nagpakamatay `yung biktima matagal pa muna itong nakaupo doon sa rooftop, kinausap pa ito pero hindi pa rin napigil tumalon pa rin,” ayon kay SPO2 San Pedro. Nalaman na tinangka umanong pigilan ni Michael de la Cruz, 28, na maintenance ng nasabing condominium at ng security guard na si Benito Tenorio, maging ang mga kasama nito sa tinutuluyan pero hindi na napigil na tumalon ang biktima. Bumagsak umano ang biktima sa bubungan ng rectifying power ng Light Rail Transit (LRT) station sa may Vito Cruz kung saan nauna ang ulo nitong bumagsak. “Para siyang si Superman na lumilipad, nakita ko na siya nung nagtatangka pa lang na tumalon sa rooftop kaya nga tumawag ako ng pulis at rescue team,” ayon naman sa vendor na siSuratos, na nakakita sa pagtalon ng biktima. Ate sam
Posted on: Sat, 26 Oct 2013 07:50:33 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015