Pagkaso ni Sen. Revilla sa testigo sa pork barrel - TopicsExpress



          

Pagkaso ni Sen. Revilla sa testigo sa pork barrel scam, panggigipit lamang - abogado 01 Nov.2013 Pinanindigan ngayon ng kampo ng mga testigo na matibay ang mga hawak na ebidensiya laban kay Sen. Bong Revilla Jr. na nahaharap sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman kaugnay pagkadawit nito sa P10 billion na pork barrel scam. Sa panayam kay Atty. Levito Baligod, abogado ni Benhur Luy, mistulang panggigipit ang pagsampa ni Revilla ng kaso laban sa testigo na wala aniyang sapat na basehan. Batay kasi sa reklamo ni Revilla, hiniling ng senador na ideklarang null and void ang mga dokumento ni Luy dahil pineke lamang umano ang kaniyang pirma. Nanindigan ang abogado ng mga testigo, na malinaw umanong may kinalaman si Revilla sa pork barrel scam dahil sa kaniyang sulat sa Department of Budget and Management (DBM) na pinamamadali ang pag-release ng kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Kaya ang ginagawa ni Senador Revilla ay maliwanag na panggigipit lamang sa mga whistleblower, kaya kung hindi niya naiintindihan yong kaniyang aksyon na pag-file ng isang civil case ay makakasama sa kaniyang legal situation ani Baligod. Una nang iginiit ng Senador na wala itong kinalaman sa pork barrel scam gamit ang NGO ni Janet Lim-Napoles. Via BR Phil (this is the real KAPs AMAZING STORY:D) #admingems
Posted on: Fri, 01 Nov 2013 04:45:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015