Palasyo, ayaw pang kumpirmahin ang pagbisita ni PNoy sa China By - TopicsExpress



          

Palasyo, ayaw pang kumpirmahin ang pagbisita ni PNoy sa China By dzmm.ph | 03:37 PM 08/14/2013 Tikom muna ang Malakanyang sa napaulat na pagpunta ni Pangulong Noynoy Aquino sa China upang dumalo sa 10th ASEAN-China Expo (CAEXPO) sa Setyembre 3. Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ang Pilipinas ang host sa naturang forum ngayong taon. Ngunit ipapaubaya sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkumpirma sa lakad ng pangulo. Sinasabing pa-plantsahin ng pangulo sa mga opisyal ng China ang gusot kaugnay ng pinagtatalunang West Philippine Sea. Duda naman si Lacierda na matatalakay ng pangulo ang isyu sa pinagtatalunang teritoryo dahil kaugnay lamang ng economic trade ang agenda ng mga kalahok doon. Hindi rin aniya sumesentro sa West Philippine Sea ang relasyon ng Pilipinas at China sapagkat multi-level ang relasyon ng dalawang bansa kabilang na ang trade and investment. Report from Junry Hidalgo, Radyo Patrol 31 [Bansang Maharlika]
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 08:22:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015