Payo sa pinakamatagal na Pinoy detainee: Manalig! Agosto 17, - TopicsExpress



          

Payo sa pinakamatagal na Pinoy detainee: Manalig! Agosto 17, 2013 Abante News “Always have a faith. Sometimes it’s dark but there’s an end to all the sufferings. You have to understand that we follow certain process here in Kuwait and in Bangladesh.” Ito ang mensahe ng opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa isang overseas Filipino worker (OFW) na ikinukonsiderang pinakamatagal na inmate sa kulungan sa Kuwait dahil sa pagpatay sa isang Bangladeshi noong Hulyo 6, 1996. Bagama’t life imprisonment o 17-taong pagkakakulong sa Kuwait Central Jail ang ipinataw na parusa sa OFW na si Joseph Urbiztondo ay binigyan ito ng pagkakataong magbayad ng blood money sa mga kaanak ng napaslang na Bangladeshi kapalit ng kanyang kalayaan. Gayunman, sinabi ni Philippine Charge d’ Affaires Atty. Raul H. Dado, na nakumpleto na ang blood money na 6,000 Kuwaiti dollars ni Urbiztondo matapos magtulung-tulong ang ilang indibidwal at Filipino organizations sa Kuwait pero hindi pa ito naibibigay sa pamilya ng Bangladeshi na hanggang sa ngayon ay hindi pa mahagilap ng embahada. OFW FANATIC
Posted on: Sat, 17 Aug 2013 09:47:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015