Pia Masbate InfoCen Balitang Masbate: Masbate, super-alerto - TopicsExpress



          

Pia Masbate InfoCen Balitang Masbate: Masbate, super-alerto na rin dahil sa superbagyo LUNGSOD NG MASBATE, Nob. 6 (PIA) – Isinailalim na ni Mayor Rowena Tuason ang lungsod ng Masbate sa “state of heightened alertness and monitoring” sa harap ng banta ng potential supertyphoon na may international name na “Haiyan.” Sa kanyang pulong kahapon sa mga kasapi ng Masbate City Disaster Risk Reduction and Management Council, inilatag ng alkalde ang contigency plans upang mabawasan ang pinsala na maaring idulot ng malakas na bagyo. Batay sa pinakahuling impormasyon mula sa Joint Typhoon Warning Center ng US Navy, nananatili ang posibilidad na maglandfall sa ilang bahagi ng Visayas o Bicol ang Haiyan na tatawaging Yolanda pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility bandang madaling araw bukas ng Huwebes. Minanduhan ng alkalde ang Masbate City Disaster Risk Reduction and Management Office na kumilos at ipatupad na ang mga hakbang sa paghahanda ng mga mamamayan sa lungsod. Kabilang sa mga nakahanda na ay ang mga gagamiting evacuation centers, mga sasakyang panlupa at pandagat na gagamitin sa pagresponde at pagsagip at ang pondong kinakailangan para sa operasyon nito. Minanduhan din ng alkalde ang lahat ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils sa lungsod na ilagay ang kanilang mga sarili sa state of heightened alert and monitoring sa layuning makamit ang sero casualty at mabawasan ang maaring pinsala ng pananalasa ni Yolanda sa mga pananim at kagamitan sa pangingisda. Kasado na rin ang 24-hour monitoring at massive dissemination ng impormasyon sa publiko. Samantala, kasalukuyang nagpupulong ang Masbate Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangunguna ni Governor Rizalina Seachon-Lanete. Inilalatag na rin ng gobernadora ang katulad na paghahanda upang masaklolohan ang mga lokal na pamahalaan at mamamayan sa lalawigan ng Masbate.
Posted on: Wed, 06 Nov 2013 06:08:10 +0000

Trending Topics



get a

Recently Viewed Topics




© 2015