RE-POST Philippine Embassy in Kuwait MAHALAGANG PAALALA- - TopicsExpress



          

RE-POST Philippine Embassy in Kuwait MAHALAGANG PAALALA- LAGANAP NA NAMAN Maari po sanang mag-iingat sa mga nang-aakit sa ating mga kababaihan na umalis sa mga kanilang pinapasukan at magtrabaho sa mga coffee shops. Kadalasan ang panghihikayat ay ginagawa sa Facebook at ibang social media. Ito marahil ay mga hindi lehitimong kumpanya na nananamantala sa ating mga kababayan, babae man o lalake. Kadalasan ang mga nang-aakit ay mismong iba nating mga kababayan, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabibiktima ang mga tumutugon sa ganitong mga job offer, dahil madalas ang nagiging trabaho ay malaswa at mapanganib. Huwag magpabiktima. Maari lamang isangguni sa embahada, sa labor office, o sa inyong mga Filipino organizations ang ganitong mga job offers. Sama-sama tayo sa pakikibaka. Salamat po! Atty. Dado, CG
Posted on: Sat, 26 Oct 2013 23:33:41 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015