REPOST: (A STORY TO SHARE) “Blessed Yuri the name behind the - TopicsExpress



          

REPOST: (A STORY TO SHARE) “Blessed Yuri the name behind the success of Teodosio P. Mesagrande jr.” Minsan sa buhay ko dumadanas din ako ng matinding panghihina. Bagay na nararanasan ng marami sa atin. Ang panghihina sa buhay ay minsan hindi nakakayanang lampasan ng iba, ngunit sa akin, lagi kong ginagawa ang lahat para malampasan ang ano mang bagay na nakakapanghina sa akin. Isang araw sa buhay ko nakaramdam ako ng pinaghalong pagod, lungkot,sama ng loob at pagkabigo sa personal na nangyayari sa aking buhay bilang isang anak, kapatid at kapamilya. Minsan akong nagsisi sa mga bagay na isinakripisyo ko para sa iba na hindi man lang pinahalagahan. Bagay na sobrang nagpahirap sa aking kalooban. Kaya lang hindi dahilan yun para itigil ko ang ikot ng aking mundo. Sabi ko sa sarili ko. “kailangan ko ng kwento ng kahirapan ng buhay ng isang tao para patatagin ang sarili ko”. At doon saktong nakita ko sa facebook ang kilalang BLESSED YURI na ngayon ay isa ng ELITE GLOBAL AMBASSADOR at MILLIONAIRES CLUB ng AIM GLOBAL. Marahil hindi pansin ni partner Yuri ang dahilan ng biglaan kong pag message sa kanya sabay tanong,”Partner, bago ang AIM GLOBAL dumating sa buhay mo, ano ka ba? Sino ka ba? Sabi ni Yuri,” Rosy isa akong dating side walk vendor/peddler. Third year High school lang ang natapos ko. Hindi naman ako bobo nagkataon lang na kailangan kong isakripisyo ang pag-aaral ko para sa pamilya ko.” Nung sinabi ni Yuri yun, naiyak ako, sa loob-loob ko, katulad ang sakripisyong ginawa nya at ginawa ko para sa pamilya. Hindi naman din kasi ako bobo, kailangan lang din tumigil sa pag-aaral dahil kung itutuloy ko, maaaring makatapos ako pero gutom naman aabutin ng mga kapatid ko. Tinanong ko ulit si partner Yuri, “bakit? Anong nangyari sa pamilya mo? Nasaan ang parents mo?” sabi nya, I was 14 years old that time when my father died, illiterate ang mother ko, apat kaming magkakapatid. Nung naulila kami, ang dalawa kong nakakatandang kapatid ay nag asawa kaagad dahil sa rason na gustong makaalis sa kahirapan na hinaharap namin noon, pero ang nangyari, mas lalo naman silang naghirap. Ang kapatid ko naman na babae that time is only 3 months old at wala ng ibang maasahan sa pamilya kundi ako nalang, kaya kinailangan ko mag QUIT sa pag-aaral para magtrabaho. Nung una nagtrabaho ako sa umaga habang nag aaral sa gabi kaya lang dumating sa puntong hindi na talaga kinaya ng katawan ko. Nagpa extra extra ako ng trabaho kung saan saan, basta kumita lang. Minsan may nagsabi sa akin na matalino ako, magaling sa academics, why not mag-aral nalang daw ulit ako. Sabi ko,” kaibigan sabihin na nating ok totoo, pero may konsensya din ako at hindi ko kayang tingnan ang kapatid ko at mother ko na gutom”, kaya mas pinili ko ang magtrabaho ng magtrabaho nalang. Oh my goodness…tumagos sa laman ko ang mga sagot ni Yuri sa akin. Para bang kinukwento nya sa akin ang kalahati ng buhay ko na ako mismo ayaw ng ikwento. And take note 14 years old din ako nung naghiwalay ang parents ko. 6 months old nga lang ang bunso namin that time. Di ba God is great, pinakita nya sa akin ang kwento na parang katulad lang ng kwentong nagpahirap ng kalooban ko. LATE BLOOMER, another word na ginamit ni Yuri sa kwento nya sa akin. Sabi nya sa akin, “ Noon hindi ko man lang iniisip bilang binata ang mga usong damit o kahit pag gimik o kahit magkaroon man lang ng girlfriend. Kaya ngayon na kaya ko na, may pera na ako, late bloomer man ok lang malaki naman pinagbago ng buhay ko dahil sa AIM GLOBAL. Oo nga naman talking about AIM GLOBAL naisip ko itanong kay Yuri kung paano ba siya na invite sa AIM GLOBAL, paano nya nagawan ng paraan ang 7980 at paano siya nagpatuloy na gawin ang business. Sabi sa akin ni Yuri, “ Naimbetahan lang ako ni Jhune Agarao noon sa kalye, nung pinapakita nya sa akin ang opportunity di ko na pinatagal pa, ginawan ko na kaagad ng paraan. Sa mahabang panahon ko ng pagiging vendor sa lansangan wala akong mailabas na 7980 kaya nangutang ako para dun. Alam ko naman na mahirap ang pinasok ko, pero atleast sa pinasok kong negosyo, hindi kailangan maging degree holder. Dito yung sipag at tyaga na meron ako ang puhunan ko.Matagal akong akong vendor at matagal kaming nabuhay dahil dun, pero gusto ko naman ng pagbabago sa buhay ko. Nung nakita ko ang AIM GLOBAL nagbalik sa alaala ko yung mga pangarap ko na akala ko wala ng pag-asang matupad pa. Hindi madali ang dinanas ko bago ko naabot ang gusto ko. Minsan din naisip ko na totoo ba talaga to? Yayaman ba talaga ako dito? Kasi isipin mo Rosy, lagi kong sinabi sa mga invites ko, PAYAMAN! PAYAMAN TAYO SA AIM GLOBAL! Pero dumating sa point na halos wala na akong makain. Sa kaliwang kamay ko hawak hawak ko ICE WATER at sa kanang kamay ko banana que para sa aking tanghalian. Pero kung tatanuning mo ako bakit hindi ako sumuko? Simple lang dahil sa tulong ng trainings. Iniisip ko na kong nakaya ko ang hirap sa iskwater sa loob ng 23 years na hindi naman ako yumaman. Kakayanin ko din sa AIM GLOBAL kahit 5 years na seryusong pagtrabaho. Pero God is really good. Nakita nya ang hirap,pagod at tyaga ko sa mga ginagawa ko. 2 years ko pa lang ginagawa ang AIM GLOBAL nakaka overwhelm na kumikita na ako ng 6 figures per month. At ang dating Yuri namuhay sa lansangan, binigyan ng bagong buhay ng AIM GLOBAL. Grabe. Wow…pati po ako na overwhelm sa kwento ni Yuri. Nabuhayan ulit ako ng loob. Ganun ako, kapag nahihirapan, iniisip ko ang hirap ng iba. Kapag nalulungkot, iniisip ko din ang lungkot na nararamdaman ng iba na malayo sa mga mahal nila sa buhay. Kapag ako ang nanghina, tanging kwento at karanasan ng hirap na nalampasan ng iba ang nagpapalakas sa akin. At masasabi ko, sa isang yugto ng buhay ko, pinalakas ni Yuri ang nanghihina kong kalooban. Salamat partner. More lives to change dahil sa AIM GLOBAL. And take note… ang tunay na pangalan ni BLESSED YURI ay Teodosio P. Mesagrande jr. at ngayon September 26,2012 kasabay ng pagbahagi ko ng kanyang kwento ay ang kanya ika 26th Birthday… Happy birthday partner, sana marami pa tayong mga ordinaryong buhay na mababago dahil sa AIM GLOBAL. To God be the Glory. Maraming maraming salamat po sa inyong pagbasa… Feel free to share this story.
Posted on: Mon, 09 Sep 2013 12:09:30 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015