REX C. CAYANONG Broadcaster / Columnist Executive Producer KBP - TopicsExpress



          

REX C. CAYANONG Broadcaster / Columnist Executive Producer KBP No. 028702 “ILAPIT KAY TARGET “SOLUSYON SA MGA PROBLEMA SA SAN ISIDRO, ANTIPOLO NAKAKABAHALA na ang lumalalang problema sa peace and order sa Brgy. San Isidro sa Antipolo City na inuupuan lang ng mga otoridad na nakakasakop sa lugar. Halos araw-araw ay nakakabalita tayo ng holdapan, akyat-bahay, prostitusyon ng mga kabataang kababaihan sa kalye, riot at droga. Dahil hindi tinutugunan ng mga otoridad ang mga nasabing problema ay dumudulog ang aking mga kabarangay sa aking programang “TARGET ON AIR “ sa istasyong DWAD 1098 kHz sa AM band at mapapakinggan tuwing 11:00-12:00 ng tanghali ng Martes at Sabado. Bilang isang residente sa Brgy. San Isidro, kailangan kong bumahagi sa paglutas sa mga problema rito. Marami sa aking mga kabarangay ang humihimok sa inyong lingkod na maging bahagi ng pamahalaan ng San Isidro. Anila, malaki ang maitutulong ko bilang isang radio commentator/broadcaster at newspaper columnist. Malaking bahagi ng Brgy. San Isidro ay relocation site ng NHA para sa mga informal settlers mula sa Metro Manila. Nariyan na ang mga taong dahop, walang trabaho at hindi nagkapalad na makatapos ng pag-aaral. Na kapag nagipit ay sa “patalim” kumakapit. Isa sa mga programang dapat isulong sa Brgy. San Isidro ay sa kabuhayan o livelihood. Maiaangat ang antas ng pamumuhay ng aking mga kabarangay kapag nabigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng ligal na hanapbuhay. Kung umaasenso ang kabuhayan ng mga residente sa San Isidro ay masusugpo ang mga krimen. Kung makakapag-aral ang mga kabataan ay maiiwas sila sa mga masamang barkada at bisyo. Matutuldukan na ang insidente ng mga babaeng menor-edad na naghihintay ng lalaking kustomer sa gilid ng mga lansagan dito para lang may maibili ng pagkain. Sabi nga, “charity starts at home.” Kung nagagawa kong tulungan ang mga kababayan nating may problema sa iba’t ibang lugar sa bansa, dapat ay mas pagtuunan ko ang komunidad kung saan naroon ang aking tahanan…ang Brgy. San isidro sa Lungsod ng Antipolo. Sa sinumang inaapi at hindi nakakakuha ng patas na hustisya at nais humingi ng aking tulong, magsadya kayo sa aking opisina sa: 2/F JC Pascual Bldg., Kadalagahan St., Taytay, Rizal (katabi ng lumang munisipyo ng Taytay). Para sa inyong mga sumbong at Reklamo mag txt sa 09196612670 o mag email sa rexcayanong@yahoo. Maari din kayong Magsadya sa “ TARGET ON AIR “ Action Center sa 2 JC Pascual Bldg., Kadalagahan St., Taytay, Rizal
Posted on: Fri, 14 Jun 2013 04:24:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015