Rafa, Williams sisters lusot sa first round NEW YORK (AP) --- - TopicsExpress



          

Rafa, Williams sisters lusot sa first round NEW YORK (AP) --- Astig na nagbalik si Rafael Nadal sa U.S. Open noong Lunes habang nakisalo sa ningning ang mag-utol na sina Serena at Venus Williams sa pagsiklab ng pinaleng grand slam ng taon. Pinagbunyi nang maiingay at masisiglang miron sa magarang Flushing Meadows, binanda ng tatlo ang kabihasaan sa power hitting sa Arthur Ashe Stadium bago nag-iba ang panahon sa New York na nagpaaga sa pagtatapos ng okasyon sa araw na iyon. Ang buhos nang ma­lakas na ulan ang pum­wersa sa tournament organizers na kanselahin ang mga nakalista pang laro sa buong araw kasama ang kay dating world number one Roger Federer na nakatakdang makahampasan si Grega Zemlja ng Slovenia. Niladlad ni Nadal, liban noong isang taong U.S. Open sanhi ng chronic knee, ang intensyong makabawi sa nawalang panahon nang idemolis si American wildcard Ryan Harrison, 6-4 6-2 6-2, sa isa sa maagang mga sesyon.
Posted on: Wed, 28 Aug 2013 12:08:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015