Sa paulit ulit na paghahanap ng tamang trabaho para sayo.. Minsan - TopicsExpress



          

Sa paulit ulit na paghahanap ng tamang trabaho para sayo.. Minsan masasabi mong nakakapagod na... Parating di ka umaabot sa expectations at standards nila... Bagay na nakakabawas ng self-confident at nakakadagdag ng self-pity... Katulad sa pag-ibig, kapag parati kang inaayawan ng iyong nililigawan o parati kang bigo sa relationship... Minsan makikita mo nalang ang yong sariling nagtatanong kung ano ang iyong pagkukulang... kung ano ang iyong mga nagawang hindi tama... at ano ang mali sayo. Bakit di ka nila kayang tanggapin ngunit kaya nilang i-hire yong ibang tao? Talaga bang masmagaling sila? mas deserving sila keysa sa akin? Minsan ang sarap na ngang prangkahin... Ano bang mga pamantayan mo na di ko kayang tumbasan? Ano ba ang kailangan mo na wala sa akin? Di naman sa nagmamalaki ako... pero nais ko lang malaman kung ano ang kulang sa akin...ng sa ganoon kapag dumating ulit yong bago.. alam ko na kung saang parte ang kailangan kong lakipan. Tsk tsk...Minsan naisip ko nga... Ano kaya kung kabaligtaran naman... Siya yong magpapagod para suyuin ako... siya yong araw-araw maghahanap ng oras para sa akin... at siya yong magmamakaawang mapa-oo niya ako. Pero di ba masyado atang brutal? Hayzzz... Kaya ko pa kayang maghintay para sa posisyon na nais ko? Kung saan ako ang kanyang top priority... Ako ang best asset ng kanyang buhay... at sabay parin kaming magdedesisyon kahit siya ang manager... Hahaha... siguro nga.. oo darating pa... marami pa namang mangyayari sa buhay natin.. tiwala lang.. masyado lang ata ako nagmamadali... Sabi nga... Ang naglalakad ng mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang naglalakad ng matulin, kung matinik ay malalim
Posted on: Tue, 25 Jun 2013 08:04:56 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015