Salamat admin sa pagpost ng last submission ko. Since naipost yung - TopicsExpress



          

Salamat admin sa pagpost ng last submission ko. Since naipost yung previous post ko, at nakailang likes din naman ako, haha, eto na. Eto na yung sequel sa pinaikli ngunit mahaba pa ding post. :)) 22-day test. Bakit di na lang 25 days, o thirty days, bakit 22 pa? Kasi madaming pagkakataon na, halimbawa, titingin ako sa relo or cellphone ko, lagi kong naabutan yung oras na nasa 7:22, 8:22, basta 22:22. Magbabasa ako ng manga, yung magandang part ng manga, nasa chapter 22. Ako yung klase ng taong makakapansin ng kahit sobrang liit ng detalye. Kaya walang nakakalampas sa mga paningin ko, lalo pag may unusual repetition of patterns. Basta, parang sobrang lapit ng no. 22 sakin. I know it’s still not making sense. Kaya eto na. Yung kauna-unahang babae na nagustuhan ko sa college, 5 years bago ko nakalimutan ang babaeng to. Siya si B. Since first year highschool til 2nd yr college ako, siya lang at di ako naghanap ng iba. June 22 ang birthday niya. My first and last gf, nagbreak kami October 22. Siya naman si E. Yung crush ko noong third year HS ako from other school na kamukha ni B, pareho din sila ng bday, June 22. Nakakatawa pero parang nakakabit na talaga sa akin ang numerong 22. Kaya 22 ang pinili kong bilang ng araw para sa test na yun. Pero bakit kelangan ko pa ng test? Ayoko na kasing mangyari ulit ang nangyari sa amin ng ex ko. Di pa ako sigurado pero niligawan ko agad siya. And 2nd wk pa lang kami ng ex ko, bigla na lang ako nagsawa sa relasyon namin. Saka di ko pa talaga makalimutan si B. So third wk pa lang namin, wala pa kaming one month, nakipagbreak ako kay E. Kaya kung titingnan niyo, kahit nagkaGF ako, parang NGSB lang din ako pagdating sa experiences. Yung test was supposed to 30-days o 1month test, pero dahil baka may significance talaga ang no. 22 sa akin, 22 na lang ang sinet ko na limit. Since first yr college, ginagamit ko ang test na to. I know it’s lame. Pero dahil sa test na to, pitong taon akong walang lovelife. Until now. OK, sobrang layo na ng topic. Balik na tayo sa topic. Yung kasalukuyan kong nagugustuhan ngayon, siya nga pala si A. After niya makalusot sa 22-day test, di pa rin ako gumagawa ng kahit anong actions. Kasi, unang una, pitong taon akong nabakante. Di ako sanay na makaramdam ulit ng ganito. Ikalawa, natatakot ako na baka mangyari ulit yung nangyari sa amin ng ex ko. Ikatlo, medyo naiintimidate ako sa kanya. Di ko alam kung bakit, pero parang nakikita ko si B kay A. Although hindi sila pareho in terms of physical features, yung behavior nila, ang daming pagkakahalintulad. Napansin ko lang to lately, ngayong 4th year nako. Yung habits nila, pareho talaga. Di pa rin ang convinced na siya na talaga so di ko sinunod yung 22-day test ko. Pinigilan ko na lang yung nararamdaman ko kasi nagdecide na din ako na di ko icocommit ang sarili ko sa isang relationship sa buong college life ko. So lumipas ang 1st sem, 2nd sem. Hangang sa unti-unti ko na ding na-neutralize yung nararamdaman ko. Yung ang pilit kong sinasabi sa sarili ko. Pero ang totoo, yung nararamdaman ko, parang bulkan lang. Dormant lang yung nararamdaman ko, pero naghihintay lang siya na maging active muli sa tamang panahon. Di pa kasi dumadating yung tamang catalyst. Hangang sa maging 4th yr na kami. Mamaya na lang yung kadugtong. Pakiramdam ko kasi di to mapopost. Try ko lang ulit to. Kung mapost ulit to, saka na lang ulit ang sequel. Hahaha. :)) (natapos ko ang pagtytype ko ng 2:22, tangna lang, wala talaga akong ginagawa, ganito talaga nangyayari) Bamboo ng Health Service FACULTY OF ARTS AND LETTERS 2010
Posted on: Sun, 24 Nov 2013 09:08:25 +0000

Trending Topics



s="stbody" style="min-height:30px;">
Klu lah kamu ada mslh, cuba kamu pigi minta pray dgn Sister d
418 children were raped by illegal aliens in North Carolina in
2nd International Leadership Training was over. Thanks for your
There is a place in the presence of God where crowns lose their

Recently Viewed Topics




© 2015