Salamat po sa pagtuturo ng una ng alpabeto at bumilang ng numero, - TopicsExpress



          

Salamat po sa pagtuturo ng una ng alpabeto at bumilang ng numero, sa pag-aaruga, sa pagkalinga, sa patuturo sa amin ng pagpapahalaga, sa pagpaparamdam ng tunay na pagmamahal at sa pagtuturo ng mali at tama, ng pagpapasalamat sa kapwa, sa pagsasabahagi ng kung ano ang meron kami sa mga taong walang wala....ang maging mapagkumbaba, ang maging mapagmahal sa pamiya, sa kapwa at sa Dakilang Lumikha... Maiksi lang po ang ating naging pagsasama ngunit eto ay sulit at talagang napakahalaga... hanggang sa pagpanaw nyo po magandang aral pa rin ang iniwang nyong alala.... Dalawamput limang taon na din po pala, ang huli nating pagkikita at hanggang ngayoy sariwa pa rin po sa aming mga alala . NANAY, di nyo man po nababasa ang mensahe kong eto ang tanging hangad ko lang po ay maipahiwatig sa mga kaibigan, kakilala at makakabasa na kayo po ay isang tunay na regalo galing sa Dakilang Lumikha... Maligayang kaarawan po sa inyo Inay! Kayo po ay tunay na isang mabuting ehemplong Nanay...
Posted on: Sat, 26 Oct 2013 23:00:58 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015