Salamat sa mga bumati at nakaalala sa aking kaarawan, mga - TopicsExpress



          

Salamat sa mga bumati at nakaalala sa aking kaarawan, mga kaibigan, pamilya, tropa at kapatid, salamat. Sa mga taong nagmahal sa akin at tumanggap sa kung anu man ako salamat. Sa mga nakakasama ko at tumatawa sa mga paulit ulit kong joke salamat. Sa mga nasasabihan ko ng kadramahan ko pero joke lang pala yun salamat sa pagtawa. Sa mga nangloko sa akin sa pag lalaro ng pitik bulag, salamat pa din kahit tinuro ko na ang tamang daliri sasabihin paring mali. Salamat sa mga di nakakaintindi sa akin dahil tinuruan niyo akong intindihin kayo. Salamat sa mga nagagalit sa akin kasi tinuturuan niyo akong mag timpi. Salamat sa mga nag iisip na di ako magaling at walang alam, salamat dahil tinuturuan niyo akong mag sipag. Salamat ng marami sa lahat ng taong dumaan, lumagpas, kumalabit, tumango, nakimusta, nakiusyoso, nakitsismis, nanghusga, nakitawa, tumulak, umlalay, umagapay, nagbigay, humingi, kumuha, nagnakaw, nanglibre, nagpakain, nakikain, kinain, nakipusta, pumusta, nakidungis, nakinuod, nakisimpatya, at sa mga di pumapansin. Nagsisimula akong mag sulat ng bagong pahina ng buhay ko at salamat sa mga bago at lumang karakter na kasama parin sa tintawag kong libro, sa mga karakter ng nakalipas, di ko malilimutan ang mga tinuro niyo, salamat sa paghubog kung sino man ako ngayon kung naging masama man ako sa paningin niyo o naging mabuti. Sa lahat ng pwedeng pasalamatan, isa lang dapat hindi kalimutan, ang Diyos kasi binigyan niya pa ako ng isa pang taong mabuhay, gumawa, at maging parte sa buhay ng ibang tao. Isa ako sa mga espesiyal na taong binigyan niya pa ng oras makasama ang mga mahal ko sa buhay at mahaba pang oras maituwid ang mga maling dapat itama... Solomot!!!
Posted on: Sat, 23 Nov 2013 18:30:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015