Senyoras UAAP 76 Womens Volleyball Dream Team: Outside Hitter - TopicsExpress



          

Senyoras UAAP 76 Womens Volleyball Dream Team: Outside Hitter 1: Alyssa Valdez (ADMU) - Season 75 Best Scorer, Season 76 MVP, Finals MVP, Best Scorer, & Best Server. Siya ang puso at kaluluwa ng ADMU Lady Eagles. Nag-improve siya lalo na ang kanyang floor defense at blocking under kay Coach Tai. Hanggat nandyan si Alyssa sa mga susunod na season ay asahan niyong finals contender ang ADMU Lady Eagles. Outside Hitter 2: Victonara Galang (DLSU) - Season 74 Rookie of the Year, Best Server, & Season 75 Season Co-MVP. Siya ang isa sa mga go-to girls ng DLSU Lady Spikers kapag nangangailangan sila ng puntos. Kahit na medyo bumaba ang laro niya ngayong season compared last season, lethal pa rin naman ang mga attacks niya. Isa pa, maganda din ang floor defense at blocking niya kahit noon pa man. Middle Blocker 1: Aleona Santiago (NU) - Season 76 Best Spiker. Open, differential, quick, running, o kahit backrow set pa ang ibigay ng setter, kayang kayang patayin ni Dindin ang bola. For me, si Dindin ang pinaka-versatile player ngayong Season 76. Maganda rin ang floor defense at blocking nito considering na 62-63 ang height niya. Middle Blocker 2: Abigail Marano (DLSU) - Season 74 Season MVP, Season 75 Season Co-MVP, & Best Blocker. No doubt, si Aby ang best captain ngayon season. Lagi niyang binubuhay ang spirit ng DLSU Lady Spikers tuwing down sila. The mere presence of her in the court intimidates her opponents. Although hindi sila nag-champion this season, madami na ding napatunayan si Aby throughout the years. Isa din siya sa mga pinakamaraming friends na players mula sa ibat ibang teams. Opposite: Michelle Morente (ADMU) - This season, wala akong nakitang opposite spiker na nag-stand out. Pero nung finals, nung ginamit si Morente as an opposite spiker, I was impressed. Hindi siya madepensahan ng Lady Spikers. At isa pang gusto ko kay Morente, malakas ang fighting spirit niya at hindi siya natatakot sa mga blockers ng kalaban. Maganda ang future ng Ateneo with Morente. Setter: Kim Fajardo (DLSU) - Season 76 Best Setter. Halos perfect ang sets ni Kim lalo na yung running & quick sets niya. Isa pa, maganda ang service, blocking, at floor defense ni Kim maybe due to the fact na beach volleyball player din siya. Magulang din siyang maglaro which I like sa mga setters. Libero: Dennise Lazaro (ADMU) - Season 76 Best Digger & Best Receiver. Undeniably, siya ang best libero ngayong season. Ang laki ng improvement niya since last season. Isa din siya sa mga factors kung bakit nag-champion ang Ateneo this year. Halos perfect kasi ang mga receives at digs niya papunta sa setter nila. Na-impress ako lalo nung naglaro siya kahit na injured pa rin siya. Isa yun sa mga katangian ng may puso maglaro.
Posted on: Sun, 16 Mar 2014 07:29:29 +0000

Trending Topics



facts about myself 1. My name used to
Just going to go ahead and let yall know, We going to have a time

Recently Viewed Topics




© 2015