TG: NAPOLES PROBE ‘WAG HARANGIN! Nina Marlo Dalisay, Dindo - TopicsExpress



          

TG: NAPOLES PROBE ‘WAG HARANGIN! Nina Marlo Dalisay, Dindo Matining at Joselito Perez Namumuro ang banggaan sa pagitan nina Senate President Franklin Drilon at Sen. Teofisto ‘TG’ Guin­gona III matapos na lantarang hamunin ng huli ang liderato ng Senado na huwag siyang subukang harangin sa gagawing pagpapatawag kay Janet Lim-Napoles sa imbestigasyon ng pinamumunuang komite hinggil sa P10B pork barrel scam. Hindi nagustuhan ni Guingona ang paghingi ng opinyon ni Drilon sa Office of the Ombudsman hinggil sa pagpapa-subpoena ng Senate Blue Ribbon committee na kanyang pinamumunuan kay Napoles para hingan ng impormasyon kaugnay ng sumabog na anomalya. “I didn’t see that co­ming and I was surprised this morning that that was the action done,” ang nai­iling na pahayag ni Guingona sa media nang matapos ang ikaapat na pagdinig kahapon ng kanyang komite sa nabanggit na eskandalo nang mabatid na ipinadala ni Drilon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang subpoena para kay Napoles. Hindi akalain ni Guingona na ang naturang subpoena na pinaaaprubahan niya sa Senate President ay ikokonsulta ni Drilon sa Ombudsman kung saan nakasampa ang kaso laban kay Napoles at sa iba pang sangkot sa unang batch ng ‘pork’ scam. “With the Constitution and Supreme Court rulings on my side, I call on all forces who wish to weaken, diminish, and destroy the power of the Senate Blue Ribbon Committee and the Senate itself to stand down, back off, and allow us to do our job,” ito ang tila matinding pagbabanta ni Guingona sa kanyang pahayag sa mga gustong humarang sa ginagawang imbestigasyon ng kanyang komite. “Hindi ako sang-ayon doon. Mali ‘yun sa pananaw ko at hindi dapat na ginawa ‘yun. This is the first time nangyari ito at hindi ako sang-ayon sa paghingi ng opinion sa Ombudsman,” ang giit pa ni Guingona. “The power of the Senate is Supreme, hindi puwede ang opinion ng ibang sangay ng gobyerno ay makialam dito,” ang halatadong galit nang pahayag pa ng mambabatas. Paliwanag naman ni Drilon sa kanyang aksyon, “I have no opinion precisely that’s why I ask the Ombudsman because the relevancy and non-relevancy of the case is the power of the Ombudsman.” Kahapon ay nagpadala ng sulat si Morales kay Drilon bilang sagot sa paghingi nito ng opinyon kung saan sinabi ng Ombudsman na, “Even as I recognize the Senate’s power to conduct inquiries in aid of legislation, I submit that it would not be advisable, at this time, for Ms. Napoles to testify before the said committee on ‘what she knows’ about the alleged scam...” “The publicity that may be spawned by the testimony of Ms. Napoles would, among other things, adversely affect public interest, prejudice the safety of witnesses or the disposition of cases against her and/or her co-respondents pending before this Office, or unduly expose them to ridicule or public censure, citing Section 15[1] of Republic Act No. 6770 (The Ombudsman Act of 1989) and Section 2,[2] Rule V of Administrative Order No. 7 (Rules of Procedure of the Office of the Ombudsman),” ayon pa sa sulat. Ang mismong opinyong ito ng Ombudsman ang ginamit namang sandalan ni Drilon para huwag pirmahan ang subpoena kay Napoles na isinusulong ni Guingona. “I defer to the ruling of the Ombudsman, I am not about to debate on this point. I sought her advice and this is the advice that she has given us,” pahayag ni Drilon sa isang press conference kahapon. Pero matigas din ang naging sagot ni Guingona sa pahayag na ito ni Drilon, “If the Senate President refuses to defend the power of the Senate, I must continue to defend it myself.”
Posted on: Tue, 24 Sep 2013 23:49:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015