TRADE MUKHANG KASADO NA SA WAKAS Isang trade ang posibleng - TopicsExpress



          

TRADE MUKHANG KASADO NA SA WAKAS Isang trade ang posibleng maganap sa mga susunod na araw o linggo. Ito ay yaong matyagal na naming tinutukoy sa inyo na player na kungdi man inilalako ay mismong nakikiusap na sa kanyang team na siya ay mailipat sa ibang team. “Please release me, let me go,” marahil ang kanyang madalas awitin. Ayon sa aming kuliglig, maaring isang rookie guard, isang future first at second round picks ang ibigay na kapalit sa explosive player na ito ng team na umaasinta sa kanya. Ang nasabing koponan ay kapos ngayon sa isang go to guy na angkop na angkop sa katangian ni player. Kung tutuusin, marami na ring gunners ang team na panggagalingan ni player, at malimit agawan na sila sa oras dahil sa kumbinasyon ng veterans at young off guards at wingmen ng team. Sa aming tantya, bibilang na lang ng dalawang linggo hanggang isang buwan bago maisakatuparan ang trade. Kungdi man maaring after the Governors Cup na ito gawin. Clue sa player? Tanungin niya si Kaibigang Gerry Baja ng DZMM.
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 00:47:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015