‘Tao na po ‘yun, pinatay lang nila!’ (Cherk Almadin) Isa - TopicsExpress



          

‘Tao na po ‘yun, pinatay lang nila!’ (Cherk Almadin) Isa na namang fetus ang nadagdag sa listahan ng mga ‘unborn child’ na inabandona o kaya’y itinapon. Kamakalawa ng umaga ay natagpuan ni Roger Gatmaitan, ang isang fetus na lalake ang kasarian at tinatayang nasa anim na buwan, habang palutang-lutang sa isang estero sa Caloocan City. Ganap umanong alas-7:45 ng umaga habang namumulot ng mga plastic na bote si Gatmaitan na naninirahan sa 3rd Ave., Bgy. 118 ng Caloocan City, nang may mapansin siyang tila bote rin na nakalagay sa isang karton ng sapatos ngunit iba ang kulay nito kaya’t agad niyang nilapitan upang usisain kung ano ito. Pero laking gulat na lamang niya nang malaman na fetus pala ang laman ng boteng nakalagay sa karton na palutang-lutang sa estero. Agad niyang ipinagbigay-alam sa kanilang barangay ang nakita kaya rumesponde ang mga tanod sa pamumuno ni Barangay Ex-O Herardo Bolo na siya namang nag-report sa Caloocan City Police Sub-Station 2. Lumalabas sa imbestigasyon na may ilang oras pa lamang nang itapon sa estero ang fetus dahil na rin sa hindi pa gaanong nasisira ang karton na pinaglagyan nito. “Tao na po ‘yun, buong-buo na siya, makikita na nga ang itsura niya e, nakakapanghinayang talaga na ‘yung iba gustung-gusto na magkaanak, pagkatapos ‘yung iba riyan pinapatay lang nila, kriminal na sila nu’n, akala ba nila!” ayon kay Gatmaitan ng makapanayam ng Abante-TONITE. abante-tonite/issue/aug0913/crime_story05.htm
Posted on: Fri, 09 Aug 2013 03:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015