Tig-isang bala sa mag-asawa (Joselito Perez) Patay ang isang - TopicsExpress



          

Tig-isang bala sa mag-asawa (Joselito Perez) Patay ang isang negosyanteng babae habang sugatan ang kanyang asawa matapos silang pagbabarilin ng isang lalake sa harapan ng kanilang auto supply sa Bgy. Tatalon, Quezon City kamakalawa ng hapon. Isang tama ng bala na bumaon sa kanyang dibdib ang tumapos sa buhay ng biktimang si Rosalia Ong Tan, may-ari ng Arwin Auto Supply na matatagpuan sa Kabignayan St. ng Bgy. Tatalon samantalang suwerte naman na nadaplisan lang ng bala ang kanyang mister na si Wilson Tan. Isang testigo na itinago sa pangalang Ivy ang nagbigay ng salaysay sa pulis­ya na nakatayo umano ang babaeng biktima sa harapan ng kanyang auto supply dakong alas-3:40 ng hapon nang lapitan ng hindi nakilalang lalake. Armado ng baril na kalibre .45 ang lalake at pinaputukan ng isang beses sa dibdib ang ginang. Isinunod na binaril ng suspek ang mister ng biktima subalit hindi ito napuruhan at nagtamo lamang ng daplis na tama. Pagkatapos ng pamamaril ay naglakad lamang umano ang lalake papunta sa isang kasamahan na naghihintay sa kanya na sakay ng motorsiklo para tumakas. Tinitingnan ng pulisya kung may kinalaman sa negosyo ang motibo ng pamamaslang. Nakuha sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre 45. abante-tonite/issue/aug2613/crime_story03.htm
Posted on: Mon, 26 Aug 2013 01:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015