Visa application ng OFW sa Taiwan, mas hinigpitan Written by Leizl - TopicsExpress



          

Visa application ng OFW sa Taiwan, mas hinigpitan Written by Leizl Galan Published in Latest News Saturday, 13 July 2013 08:07 Mas lalo pang hinigpitan ng Taiwan ang visa application para sa mga Filipino na nagnanais magtrabaho sa nasabing bansa. Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO), kailangan na umanong maghintay ng dalawang linggo ang mga Pinoy bago mabigyan ng visa. Pansamantala rin sinuspinde ng TECO ang prebelihiyo sa mga Pinoy workers na may U.S., Japanese at Schengen visas na mag-apply online ng Taiwanese visa. Nag-ugat ang paghihigpit ng Taiwan sa mga OFWs kasunod na pagkakabaril-patay ng isang Taiwanese fisherman ng Philippine Coast Guard (PCG). Una nang inihayag ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Amadeo Perez, na apektado ang 16,000 Filipino workers sa freeze hiring na ipinataw ng Taiwan. Itinanggi naman ni TECO press division director Chang Pong na may ipinapatupad silang freeze hiring at katunayan nakapag-issue na sila ng halos 3,000 working visas para sa mga OFWs. Heart
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 06:08:56 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015