Vismin News Areglo sa Maguindanao massacre, tablado sa - TopicsExpress



          

Vismin News Areglo sa Maguindanao massacre, tablado sa korte Nilinaw kahapon ni Maguindanao massacre private prosecutor Atty. Harry Roque na bagama’t may 14 na kaanak ng Maguindanao massacre victims ang pumayag para sa out of court settlement ay hindi naman ito natuloy at sakali man umanong malagdaan at magkatuluyan ang settlement ay hindi rin naman ito kikilalanin ng korte. Ang pahayag ay ginawa ni Roque kasunod ng agam-agam na posible nang humina ang kaso laban sa mga Ampatuan na sangkot sa Maguindanao massacre sa oras na magkaroon ng settlement ang ilan sa mga complainant. Sinabi ni Roque na isang negosyador ang lumapit sa pamilya ng mga biktima para makipag-ayos subalit ang nasabing negosyador ay napatay rin umano kung kaya hindi natuloy ang bayaran. “I will clarify to my clients that such a settlement is impossible. A murder case cannot be settled. Only ‘private crimes’ can be settled. They cannot settle a murder case, especially now that they have already submitted their respective testimonies before the court,” pahayag ni Roque. Kahit mag-isa na lang ako! Nanindigan naman si Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu na anuman ang mangyari ay hindi nito isusuko ang kaso para makamit ang hustisya para sa kanyang mga minamahal na nasawi sa massacre. “Assuming that is true, it will not affect the criminal aspect of the case. We are not losing hope. Ilalaban ko po ito. Kahit kami lang maiwan dito. Dapat may ma­ nagot dito,” pahayag ni Mangudadatu. ‘Wag magpadala sa tukso Sa panig ni Justice Secretary Leila de Lima, walang magiging epekto sa kaso ng Maguindanao massacre ang pagpirma sa settlement ng ilang pamilya ng mga biktima ng massacre. Ayon sa kalihim, kahit magkaroon ng settlement ay maaari pa rin naman na ituloy ang kaso laban sa mga Ampatuan. Umapela si De Lima sa mga kaanak ng biktima ng massacre na huwag magpapadala sa tukso ng salapi lalo pa at mayamang pamilya ang mga Ampatuan. (Tina Mendoza) -via Abante
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 04:26:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015