WATERPROOF STUDENTS CEU Students = Sila yung mga Med Spartans na - TopicsExpress



          

WATERPROOF STUDENTS CEU Students = Sila yung mga Med Spartans na magaling mag tiis kapag may bagyo. Sila yung last man standing kumbaga. Sila yung aral pa rin kahit may bagyo na. Partida, ung uniform pa nila hindi BAHA Friendly. Dahil madalas eh naka palda sila. Imagine?! White na palda?! Tapos may baha?! Tapos huling school na sinususpend? Partida majority babae ha! UST Students = Sila yung mga magagaling mag balance sa Tulay na dinadaanan para lang makapila sa Tren. Syempre, dahil dun makakabili na ng Tablet si Kuya na gumawa ng Tulay. Maaring kulubot man ang Paa ng mga UST Students pero hindi mawawala sa puso nila yung Effort nila kapag papasok sila kahit alam nilang babahain sila dahil umuulan. Andun yung puso eh!! Mapua Institute of Technology - Eto ang pinakamatindi. Nag suspend na ng klase ang mga katabing school. Ang Mapua matibay pa ren!! Wala ng tao sa Lyceum at Arellano. Puno pa rin ang estudyante sa Mapua. Kailangan ata bumalik ang mga kastila para ma suspende ang klase. Tamang abang din ang mga Pedicab Drivers na daig pa ang taxi kung maningil maitawid ka lang sa sakayan. FEU - Matindi rin ang dinadanas na baha nitong mga to. Parang kanal kasi ang baha dito eh. Syempre, maynila. Alam naman natin ang mga nakapalibot sa eskwelehan na ito. Literal na parang kanal ang baha dun dahil sa mga katabing estero. Kumbaga, Brown dapat ang color ng Baha. Minsan dun black na. Sanay na rin ang mga to sumabak sa baha at tulad ng sa UST. Mas madami ang Piso/Dos per tawid dun. San Beda College - Eto madadaya tong mga to eh. May sariling tulay to na naka konekta sa LRT eh. Swerte yung mga umuuwi ng Linya eh Santolan at Recto. Walang ka hassle hassle. Maraming namumuong friendship sa bridge na yun. Haha! AdU - Kailangan marami kang pera sa eskwelahan na ito. Dahil marami ang nagsasabing para i suspend nila eh kailangan maubos ang tinda sa Canteen. Kailangan mag tulong tulong ng estudyante para sa ikakaunlad ng Canteen! TUP - Sila daw yung mga taong manhid. Kasi as in lahat ng katabi nilang University tulad ng PNU, ADU, sta. isabel etc. eh suspended na. Sila daw may klase pa rin. Napaka inam pala sa paaralan na ito. Napakahilig mag-aral ng mga estudyante. At masisipag mag turo ang mga Professors. UE Rain Warriors - Matindi rin sa languyan ang mga ito. Parang may Lake din na namumuo kapag nag umpisa ng umulan ng malakas sa Paaralan na ito. Kumbaga yung mga magaganda ngumiti na Dentistry Students dito eh napapalitan ng pangil dahil sa sobrang nakaka stress na baha ang nararanasan nila. Haha! PUP - ginagawa nilang Barko yung mga upuan na tinatapon ng ibang estudyante dun. Haha! Ateneo De Manila University - Walang problema mga estudyante dito. May Jetski sila tig iisa. Big time eh. Haha! Philippine School of Business Administration -Umaambon palang. Wala ng estudyante.
Posted on: Sun, 23 Jun 2013 07:31:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015