a short story: iniibig ko ang prinsesa na puno ng - TopicsExpress



          

a short story: iniibig ko ang prinsesa na puno ng PILAT Nakita ko na ang hinahanap ko.. Naramdaman ko ngaun na sobrang nagmamahal nako dahil naramdaman ko na yung saya na di ko naramdaman sa iba... Wala kameng problema ng babaeng mahal ko sa relasyon namen, sobrang mahal nyaq inaalagaan na di ginawa saken ng iba at ganon dn naman ako sa kanya... Pero sabe nga nila walang perpekto sa mundong to. Hindi lahat ng gusto mo mapapasayo. Dahil ang babaeng mahal ko ay may ina na sobrang hirap pakibagayan.. Mapagmataas masakit magsalita mapang husga at pamang api.. Kahit ang sarili nyang anak na babaeng mahal ko hindi sila magkasundo.. Ginawa ko na lahat ako kasundo ko nanay nya pero ndi dn naging madali ang pinagdaanan ko bago ko nakuha ang loob nya.. Kaya nga sabe ko kung ako nakaya kong ilapet ang loob ko sya pa kaya? Ilang beses kong sinubukang paglapitin sila pero sobrang hirap yata talaga.. Dahil pag lumalapet na ang isa... Itutulak naman un papalayo nung isa... Hindi katulad ng tatay nya close sila sobrang sweet silang mag ama lahat ng sabihin nya oo lang ng oo sa kanya ang tatay nya... Amang responsable maalaga at mapagmahal. Yan ang tingin ko sa tatay nya.. At magkasundo kme..sobra...pero tulad ko lage dn nasa gitna ang tatay nya pag nagtatalo na silang mag ina...pero minsan may mga ginagawa ang tatay nyang alam kong mali na ang sobrang paburan ang asawa nya sa lahat ng bagay kahit imposible yata gagawin nya. Kung mahal nya ang prinsesa nyang anak? Palagay ko mas mahal nya ang reyna nyang asawa... Kahit mali na..kahit madame ng nahihirapan at nasasaktan isa na dun ang prinsesa nila na babaeng mahal ko.. Madameng beses ko ng inisip na ano kaya kung lumayo nalang kame? Mabuhay ng tahimik masaya higit sa lahat malaya... Pero naisip ko sobrang dali kung iisipin pero ang hirap yata gawin? Pano ang pamilyang maiiwan nya? Lalo na ang tatay nya? Kahit alam kong mali na sya sa ginagawa nyang pag sunod sa asawa nya nakakaawa pdn..dba? Kme nalang nakakaintindi at may pakealam sa kanya eeh iiwan pba namen? At kapag ginawa kong ilayo sya? Ano ng pinagkaiba ko sa mga nakaraang relasyon nya? Asan na ung sinabe kong handa akong magtiis na samahan sya sa lahat ng hirap at sakit na pwede namen pagdaanan sa pamilya nya?? Asan na ung sinasabe kong kahit na anong mangyare pamilya mo yan... Kaya d mo matatakasan... Nasanay akong malaya dati walang pakealam sa pamilya dahil ang pamilya ko? Wala kameng pakealaman pero mahal namen ang isat isa sadyang hinahayaan lang namen na malaya ang lahat para matuto sa buhay... Nagbago pananaw ko nung makapasok ako sa pamilya nila pakiramdam ko mas nag mature ako.. Mas tumapang mas naging malawak mag isip at mas naging mapagmahal.... Kaya naisip ko? Ndi pagtakas sa problema ang solusyon... Hindi pagtakbo! Kundi dapat namen tong harapin... Matanda na parents nya.. Alam kong d rin magtatagal mawawala na sila at ako ang maiiwan para alagaan at mahalin ang prinsesa nila... Kaya hanggat kaya ko magtitiis ako ngaun at pilit na liliwanagin ang isip nya na may hangganan dn ang lahat ng paghihirap nya. Basta andito lang ako.. Wala kameng ndi kakayanin.. Na sa twing madadapa sya?.andito ako para itayo at alalayan sya.. Na twing masusugatan sya? Andito ako para gamutin ang mga sugat nya.. At kahit magkaron pa ng peklat ang lahat ng sakit na pinagdaanan nya... Andito ako para ipaalala na wala akong pakialam sa mga peklat nya.. Mahal ko sya at mas lalong napapamahal dahil hinahangaan ko ang tapang nyang harapin ang lahat.. At patuloy na lumaban... Kahit halos sugat sugat na buong pagkatao nya. Mahal na mahal kita... Prinsesa DANIELA :)
Posted on: Sat, 07 Jun 2014 03:22:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015