aniniwala ang Malacañang na maaabutan na ng relief goods - TopicsExpress



          

aniniwala ang Malacañang na maaabutan na ng relief goods ang lahat ng 40 munisipalidad sa Region 8 na sinalanta ng bagyong Yolanda. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ito ang naging pagtaya nina DILG Sec. Mar Roxas at DSWD Sec. Dinky Soliman. Ayon kay Coloma, puspusan ngayon ang delivery ng relief goods mula sa airport, seaport at sa mga highway. Kasabay nito, inisa-isa ang ginawang aksyon ng gobyerno mula sa unang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda bilang patunay daw na hindi sila nagkulang o nagpabaya. Iyon po ang projection nina Secretary Soliman and Secretary Roxas in coordination po sa lahat pa ng ibang involved dito. Kasi sila yung nasa ground, nakikita po nila iyong actual po na daloy ng mga facilities, iyong logistical movement from sea port to airport to highway, iyong paggalaw po between towns. Meron po silang direct sense nun kaya sila po ang nag-project that reasonably, by today, mararating po ng 100 percent lahat ng 40 municipalities ng lalawigan ng Leyte, ani Coloma.
Posted on: Thu, 14 Nov 2013 11:08:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015