attention: tutuloy pa rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) - TopicsExpress



          

attention: tutuloy pa rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang implementasyon ng bagong panuntunan sa pag-iiysu ng resibo sa kabila ng panawagan ng maraming sektor na ipagpaliban muna ito. Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, binigyan na nila ng sapat na panahon ang mga negosyante kaugnay sa ipapatupad na pagbabago sa resibo. Giit nito, binigyan nila ng palugit na hanggang April 30 ang mga negosyante upang hingin sa BIR ang bagong resibo o ang mabigyan ng ‘authority to print’. Sa ilalim ng patakaran ng BIR, ang mga lumang resibo ay magagamit na lamang hanggang June 30. Maaalalang ipinanawagan ni Sergio Ortiz-Luis, presidente ng Philippine Exporters Confederation (Philexport) at opisyal ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang pagbibihgay ng extension sa mga negosyante para makapagpalit sila ng bagong resibo. Ayon kay Ortiz-Luis, karamihan sa mga negosyo sa bansa ay hindi pa handa sa pagpapatupad sa implementation ng Revenue Regulations No. 18-2012. Umaasa ang opisyal na pagbibigyan sila ng BIR kung hindi ay maaring idulog ng ilang negosyante ang kanilang reklamo hinggil sa BIR ruling. (PTV News) ptvnews.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=18236&catid=10&Itemid=163
Posted on: Tue, 11 Jun 2013 04:31:31 +0000

Trending Topics



sexpress.com/Ill-be-the-first-to-admit-that-I-keep-my-private-life-private-I-topic-3935471200642">Ill be the first to admit that I keep my private life private. I

Recently Viewed Topics




© 2015