there was a girl na nakilala ko way back nung high school pa - TopicsExpress



          

there was a girl na nakilala ko way back nung high school pa ko.. nagumpisa ang lahat ng dahil sa txt.... nakitxt lang naman yung bestfriend ko para sabihin na nacut na yung unli nya kaya ndi na muna sya makakapagreply.. at dahil sa eto ko walang magawa out of curiosity tnxt din kita nung uwian na dahil sa kakaibang pangalan na meron ka. ndi sya mahabang usapan pero nagkakilala tayo, back then i had this feeling na kakaiba tong tao na to. you had this charm to attract people, making the atmosphere brighter and yet you were so mysterious na naging dahilan para lumala yung curiosity ko. gusto ko malaman kung sino ba tlga tong babae na to na lage kong naririnig yung pangalan, kilala ata ng halos lahat maliban saken at higit sa lahat crush ng bayan.. a few days later, kumakain ako sa science park ng bldg nmin, may mga babae na nakatayo sa harap ng gate ng bldg namin, mga nasa 6 siguro tpos classmate ko yung 2. tinawag ako nung classmate ko tpos lumingon ako not knowing na andun ka pala. lahat ng classmate ko kilala ko sa attitude ko na I dont give a f*** pero sa time na yun na nagsmile ka at nag high at the same time, ndi ako genius pero nagets ko na ikaw pala yun, sabay tapon nung kinakain kong frostie at akyat sa bldg psok sa room at medyo namumula na ko sa hiya. months have passed, naging close tayo. matagal ka na palang nililigawan ng bestfriend ko pero away bati kayo, isa na rin sa dahilan na medyo babaero yung kaibigan ko. everytime nalang na nagkkwento ka eto naman ako i-cocomfort ka at the same time iaahon ko yung pangalan ng bestfriend ko out of loyalty. tpos one night, nagconfess ka saken na ndi mo naman tlga sya gnun kagusto, pressure ng mga kaibigan saka pity narin sa tagal nya na nanliligaw kaya ndi mo masabi. wala akong masabi nung mga time na yon kase akala ko parang drama couple lang kayo na away bati pero iba pala sayo. naging comfortable na ko na kausap ka sa cellphone at katxt pero di tayo gano nagpapansinan sa personal kase mahiyain ka. dahil nga close na tayo madalas na ko magjoke saka ibully ka, tpos meron isang joke na pinagsisihan ko noon, yun yung nagaaway ulet kayo tpos may event sa school bukas isa ka sa mga magsusuot ng gown para sa mini pageant. nag try ako na iboost yung confidence sa mga papuri ko kahit medyo exagge na pero tumawa ka naman kaya ok lang.. nag jojoke ako para mapatawa ka tpos yun yung time na nagsabi ka na buti ka pa, napapatawa mo ko everytime na nagaaway kame. sana ikaw nalang yung nauna kong nakilala. napalunok nalang ako tpos sabay goodnight at magbeauty rest muna sya para bukas sabay baba ng tawag.. ndi ko na sya tinatawagan after nung mini pageant, txt txt nalang, medyo umiiwas na din ako sa kanya tuwing magkikita kami sa school tpos ndi na ko ganun ka active magtxt. nagtxt sya tpos sinabi nya na bakit daw nagbago ako, sabi ko ayoko lang masali sa magulo nilang relasyon. 1st bestfriend ko nga yung sutor nya 2nd ndi rin imposible na mafall ako sa kanya which kinatuwa nya. nag ok sya with smiley at sinabing dont worry basta walang magbabago so wag ka ng umiwas. i dont know the meaning behind those words pero masyado ng masakit yung ulo ko sa ibang crushes na pinupukol ng classmates ko saken kaya kung may makaalam ng sitwasyon ko ngayon baka sumabog na tong utak ko. 1 year after, huling taon na nya sa school at gragraduate na sya, advance nga pala sya ng isang taon samin. baliktad na yung sitwasyon, sya na yung comfortable saken tpos sya na rin yung mahilig magjoke at mangbully. i was wondering kelan ba nagumpisa maging ganito, but i was too lazy to think about things na ndi connected sa computer strategy or math quiz kaya bibaliwala ko lang. ndi ako naka attend ng senior prom, actually exited ako nung una na makita ulet sya ng iba ang suot maliban sa uniform tpos naalala ko yung bestfriend ko. sinadya ko na ndi umattend ng prom at dinahilan ko nalang na umakyat kami ng baguio ng family ko kahit na ayaw din nila ko pasamahin tlga. kinabukasan andami kwento ng mga classmate ko, andami daw naghahanap sakin lalo na yung no.1 fan ko ( yung nakakuha ng no. ko at nagtxt nalang bigla walang may alam kung pano nya nalaman ) na pinsan din ng dating crush ko haha. well nag smile nalang ako sa kanila at sinabing sayang nga pero nagenjoy ako sa baguio pero deep inside gusto ko tlga sya makita. pero may balita na kumalat na sila na daw ng bestfriend ko sabi ng isang babae na kaclose ko din. tinanggi naman nila pareho nung araw na yun, kahit na sinabi ko sa bestfriend kong sayang naman deep inside ang saya saya ko. feb na, malapit na mag graduation, naglakas na ko ng loob magconfess sa kanya kahit ikasisira ng friendship namin to at ng bestfriend ko. bumuli ako ng maliit na regalo para sa kanya, excuse ko lang na remembrance sa pagalis nya pero may reason tlga. she was so happy, that makes the two of us pero ndi ko expected na ganun yung reaction nya. after nung araw na yun medyo sweet moments na hanggang sa nakalimtan ko na yung bestfriend ko. march ang pinaka malungkot na buwan, kumalat ang balita na nagbreak na daw sila, nashock ako at ayoko parin maniwala na sa balitang alam na ng lahat. sinabi ng kaibigan ko noon na sinabi nya saken noon na sila na pero ndi ako naniwala. alam nya yung situation naming tatlo pero mahirap daw magsalita. halos gusto kong sapakin yung kaibigan ko sagalit kung ndi sya babae. kinausap ko din yung bestfriend ko nun, at nung pumunta ko sa bahay nila umiiyak sya. first time ko sya nakita umiyak para sa isang babae, well sa dami ng babae naging babae nya ndi ko din masabi kung first tlga pero dahil sa nkita ko na yun ndi ko na sakanya nasabi, actually hanggang ngayon 4 years na ndi ko padin nasasabe. tpos kinausap ko naman sya, at first nagdedeny parin sya hanggang sinabe ko sa pinakaayoko sa lahat yung ginagago ako. she started crying, meaning totoo nga na sinubukan nya na pagsabayin kami kaso nakonsensya din sya kaya bago nya ko sagutin makikipag break muna sya tlga sa bestfriend ko. galit na galit ako sa sarili ko nung time na yun, bigla ding tumulog yung luha ko ng ndi ko alam kung bakt. yung unang babae na dapat seseryosohin ko pa yung nanloko sakin, karma ata ng pagiging suplado ko. ndi sya nagtxt after nung graduation na yun, nagpalit na sya ng network. maraming pang nangyari after ng major events na yun, after nya makagraduate ang dalas nya dumalaw sa school at madalas din ako umiwas. ni HI wala, tlgang complete stranger na ang tingin ko sa kanya. naging kaclose nya pa yung 3babae na nagkagusto sakin nung 4th year ako na kinakainis ko. nagttxt sya kase alam nila na ndi ako nagpapalit ng sim, pero kahit anong try nya ndi ako nagreply. sinabi din nung kaibigan ko na alam yung nangyari samin na ang laki ng pinagbago ko, from i dont give a f*** attitude to i dont always do but when i do you know what i mean. nagkita na kami ulet, inaya ko sya manuod ng sine. medyo nakakiiyak yung mga eksena pero sinabi ko nalang din sa kanya na wala na. gusto ko sya yakapin, icomfor tulad ng dati pero dahil sa pride ko narin wala nalang ako ginwa. masaya na ko nung nalaman ko na nagkarelationships pa sya after nung nangyari samen.. hindi ko lang tlga masabi at kaya aminin na ndi parin ako maka move-on. pero after ko sya makita narealize ko din na wala na tlga. ndi ko lang maamin sa sarili ko noon, kaya ako naging ganito at wala ng relationship na matino. wala palang tlga siguro kong nakikilala na kayang palitan sya, i hope someday makita ko din yung babae na makakahuli ng curiosity ko gaya ng nangyari noon...... first time ko ilabas tong sikreto na to, pasensya na kung medyo mahaba... -mr.chuchu, 2nd, S***, 212*****
Posted on: Tue, 03 Dec 2013 15:57:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015