-pasaway- HOROSCOPE Hunyo 26, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star - TopicsExpress



          

-pasaway- HOROSCOPE Hunyo 26, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 26, 2013 - 12:00am Pagtitibay: Unahin ang Diyos sa lahat ng bagay para makatiyak na pinakamabuti ang matatamo mo. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan o kamag-anak pero dapat tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa payong maririnig, mabuting pag-aralan muna ng mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 88, 16, 24, 30 at gray. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Malakas ang tiwala sa sarili at positibo ang pag-iisip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang tinatahak sa kabuhayan at sa pag-ibig. Maaliwalas ang buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Dagdagan ang tiyaga at panalangin para maka iwas sa bulilyaso. Maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon at magdahan-da han ang kailangan. Mag-ingat sa pakikipag-ugna yan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — May mga alok ng trabaho pero mas magandang pag-aralan muna ito ng mabuti at timbangin ang kabutihan na maibibigay kaysa kasalukuyang trabaho. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan para magkaroon ng patnubay sa tamang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Kahit anong paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralan ng mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na paglalakbay, ipagpaliban dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Mag-relax o mamasyal dahil makakatulong ito na manumbalik ang enerhiya ng sigla. Magiging makitid ang isip kaya iwasan na mapikon at madaling mag-init ang ulo. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25, at orange. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Alam mong tama ka pero lalong mabuti kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at fuchsia. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Nasa kondisyon at kasiglahan ka at handa na harapin ang kahit ano. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na makikita, isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Mag-ingat dahil isang kaibigan ang malamang magtatraydor o magtataksil. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Ang tunay na kaibigan sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Ngayon mapapatunayan ang tunay na kaibigan. Tawag ng panahon para iwasan ang ka ibigan sa turing at wala sa damayan. Magandang balita dahil magiging maligaya sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green. ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Huwag mag madali. Hintayin ang tamang oras at pag kakataon sa gustong mangyari. Mara ming gustong gawing pagbabago pero mahihirapan na magpaliwanag sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Iwasan na makipagsisihan dahil walang ibubunga na mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at light green. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Ang tahanan o pinagtatrabahuhan ang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at lavender. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Magta tagumpay sa nilalakad kung sa umaga gagawin. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magagandang balitang masasagap. Maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14,4 29, 35 at ocean blue.
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 05:08:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015