ANG DIYOS AY ESPIRITU… SIYA AY HINDI BAKAL, KAHOY O - TopicsExpress



          

ANG DIYOS AY ESPIRITU… SIYA AY HINDI BAKAL, KAHOY O BAGAY! [Note: Hindi ito paninira sa ibang relihiyon kundi pangangaral lamang ng katotohanan AYON SA SALITA NG DIYOS.. anong ikagagalit mo kung sinusunod mo ito? BASAHIN MO MUNA BAGO KA MAG REACT; Worth Reading kahit mahaba Pls. Share and continue reading and share… kung matalino kang tao at sa mga KABATAAN] “Thou shalt not make graven images…” WAG KANG YUYUKOD… DADALANGIN SA MGA BAGAY NA ITO dahil ang Diyos ay mapanibughuing Diyos na sumusumpa sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosan hanggang sa ikaapat na salinlahi… ito ang sinasabi ng Bibliya kaya hindi pwedeng idahilan ng ibang tao na dahil sa pag-alaala dahil ang tunay na pananampalataya ay sa mga bagay na Espiritual at hindi nakikita dahil hindi mo makakalimutan ang Diyos kahit kailan kung tunay kang nananalig sa Kanya… at dinadahilan pa ng iba na dahil sa Cherubim o Ark of the Covenant? MALIWANAG NA ITO AY INUTOS SA MGA ISRAELITA at hindi sa mga Kristiano at dapat malaman kung ano ang dahilan na bahagi ng Tradisyon at kasaysayan ng bayang Israel… at ang mga bagay na ito ay hindi sinamba, yinukuran o dinalanginan ng Israel na ibang iba sa ginagawa ng iba maling pagsamba (Ang mga bagay na ito ay hindi na nag eexist ngayon sa Israel)… ITO AY KASUKLAM-SUKLAM SA DIYOS na dahilan kung bakit ang tao ay walang takot sa Diyos dahil inahalintulad Siya sa bagay o sa mga diyus-diyosang di naman nakakarinig, nakakapagsalita o sumasagot man ng panalangin… kawalan ng takot sa Diyos, kasalanan, kasamaan dahilan ng maraming kapahamakan at parusa dahil sa pagsuway at di pagkilala sa TUNAY AT NAG-IISANG DIYOS… Ang Diyos ng Israel at ng mga Tunay na Kristiano… WALA NI ISANG KATITING NA BERSIKULO NA INUTUSAN TAYO NG DIYOS NA GUMAWA NG MGA INANYUHAN KAHIT PAGBALIBALIKTARIN MO ANG BIBLIYA… bunga rin nito ang pagkawala ng mga kabataan sa tamang landas, ang kawalan ng pagpapahalaga at pag-aaral sa Salita ng Diyos dahil sinasabi ng iba na ito ay kahibangan pero nauunawaan ba talaga nila ito? Binasa o pinag-aralan? Kung ano anong paninira ang sinasabi nila pero ang totoo WALA SI KRISTO SA PUSO NILA kaya hindi nila nauunawaan ang mga bagay na nasusulat kundi kamangmangan ang nalalaman nila… AT ANG IBA PINAGTATAWANAN PA ANG MGA NAGBABAHAGI NG SALITA NG DIYOS SINASABI NILA NA KRISTIANO DAW SILA EH DI NAMAN NAKIKITA NI HINDI BINABAHAGI SI HESUS (EBANGHELYO SA IBA)… ANO ANG KAILANGAN KONG GAWIN? ANO BA ANG KALOOBAN NG DIYOS? Ang pagtawag ng Diyos ay pagsisisi at ang kalooban ng Diyos ay makilala mo at TANGGAPIN MO SI HESUS BILANG IYONG PANGINOON AT TANGING TAGAPAGLIGTAS… ang talikuran mo ang iyong mga kasalanan ang “Sambahin mo ang Diyos lamang sa Espiritu at Katotohanan” Siya na nararapat sa lahat ng pagsamba at papuri hindi sa tao o bagay… SIYA NA LUMIKHA AT HINDI LINIKHA NG KAMAY NG MAKASALANANG TAO NI HINDI TUMATAHAN SA MGA BAGAY NA ITO… wag tayong umayon sa mga tradisyon at sabi-sabi ng mga tao… “Dahil ang pananampalataya ay hindi dahil sa magulang mo o nakagisnan mo kundi hahatulan ng Diyos ang bawat isa sa kanilang sari-sariling pananampalataya… “SA GANTIMPALA SA MGA TAPAT NA MANANAMPALATAYA NI HESUS O SA PARUSA SA MGA HINDI NANAMPALATAYA KAY HESUS NA HAHATULAN SA GAWA AT ITATAPON SA LAWA NG APOY…” nakakalungkot na noon pa marami ng napahamak at hahayaan mo pa ba ang iba o ang pamilya mga kaibigan mo ay tumungo roon? MAY ORAS PA IBAHAGI MO SI HESUS SA IBA… #read #true #salvation #AMEN
Posted on: Sun, 18 Aug 2013 15:00:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015