Ang mga sumusunod na artikulo ay matutunghayan ninyo sa isyu ng - TopicsExpress



          

Ang mga sumusunod na artikulo ay matutunghayan ninyo sa isyu ng THE DAILY SUN bukas (Setyembre 25, 2013). Marami pong salamat sa ating Facebook Group Friends! THE DAILY SUN BOSES NG PAMILYANG OFWs Boses ng Pamilyang OFWs Ni GEORGE ARBAN ARRIOLA OWWA Reintegration Program, tampok sa Harrison Plaza expo Nakatanggap tayo ng text messages mula sa ating kaboses na si Fely Ramirez na nagtatanong kung may mga programa ang ating pamahalaan para sa mga nagbabalik na overseas Filipino workers (OFWs). Ang asawa kasi niya na nagtrabaho bilang machinist sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ay malubhang naaksidente sa trabaho noon pang nakaraang taon kung kaya’t napilitan itong umuwi na. Sa ngayon, ang kanyang asawa na mahigit na 10 taon na nagtrabaho sa KSA, ay problemado dahil hindi na ito produktibo. Dahilan dito, pinakiusapan si Fely ng kanyang mister upang makipag-ugnayan sa inyong lingkod. Para sa kabatiran ni Fely at ng iba pang mga kababayan natin na migranteng manggagawa pati na ang kanilang pamilya, may mga programa ang ating gobyerno, partikular ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), hindi lamang sa mga nagbabalik na modern-day heroes kundi maging sa displaced at distressed OFWs. Ang OWWA Reintegration Program, ayon kay Administrator Carmelita S. Dimzon, ay isang paraan para maihanda ang magbabalik na OFWs sa ating lipunan. Ang nasabing programa ay binubuo ng Reintegration Preparedness (On-Site) at Reintegration (In-Country). Binubuo ang unang programa ng value formation, financial literacy, entrepreneurial development training (EDT), techno-skills at capacity-building trainings habang ang ikalawang programa naman ay binubuo ng job referrals (local at overseas employment), business counseling, community organizing, financial literacy seminar, networking sa support institutions at social preparation programs. Ang Reintegration Program ay ipinatutupad ng OWWA at Department of Labor and Employment-National Reintegration Center for OFWs (NRCO). Sinabi ni Dimzon na may nakalaan na P2 bilyon na Reintegration Fund para sa enterprise development na isang loan facility sa pakikipagtulngan sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines na kung saan ang isang miyembro o legal na dependent ng OWWA ay pwedeng makahiram nang mula P300,000 hanggang P2 milyon na pautang. Ang isa pang loan facility para sa OFWs ay ang OWWA-NLDC Livelihood Development na kung saan ang isang grupo ng mga migranteng manggagawa ay makakahiram nang mula P200,000 hanggang sa P1 milyon. Mayroon din na programa ang DOLE-OWWA na "Balik-Pinas, Balik Hanapbuhay" na kung saan ang isang displaced o distressed OFWs ay pwedeng mag-avail ng starter kits na nagkakahalaga ng P7,500 o livelihood assistance na P10,000. Ang Reintegration Program at iba pang programa at serbisyo ng OWWA sa OFWs at kanilang pamilya ay itatampok ng nasabing ahensiya sa Handog sa Pamilyang Filipino Jobs and Livelihood Expo 2013 (Part 3), Pamilyang OFWs Investment and Business Expo 2013, 10th Filipino Seafarers Family Expo and Forum at Pamilyang Pinoy Travel Expo 2013 na gaganapin sa Sabado (Set. 28) at Linggo (Set. 29) sa Garden Square ng Harrison Plaza sa Malate, Manila. Libu-libong overseas jobs ang tampok sa dalawang-araw na aktibidad na inorganisa na Pamilyang OFW-SME Network Foundation Inc. (Pamilyang OFWs) at Organisasyon ng Pamilyang OFWs (OPO) sa pakikipagtulungan sa Municipality of Gloria, Gloria Municipal Tourism Council at Entrepreneurs Club of Gloria, Oriental Mindoro Inc. Ang 4-in-1-expos ay may temang “Linking and Empowering the Pamilyang OFWs and MSMEs (micro, small and medium entrepreneurs) through Media and Social Networking” at katuwang ng Pamilyang OFWs at OPO sa pagpapalaganap ng impormasyon ang THE DAILY SUN, DWIZ, Bulgar, Malaya at Pilipinas Ngayon. Ito’y inisponsoran naman ng AFP General Insurance Corp., GoPureganic ng Essensa Naturale, Informatics, MIMAROPA Theme Park and Resort, MyProtect Online at Reyes Haircutters. Bukod sa overseas jobs fair, tampok din sa mga nasabing aktibidad ang libreng seminar sa kabuhayan, pamumuhunan at pagnenegosyo; medical mission at libreng salamin sa mata; libreng legal advise; libreng consultancy sa marketing at promotion; libreng gupit; at free raffle. Para sa free event at seminar registration gayundin sa updates
Posted on: Tue, 24 Sep 2013 11:11:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015