Bagyo nagbabadya sa VisMin.. admin#RAIN24 Namataan ng Philippine - TopicsExpress



          

Bagyo nagbabadya sa VisMin.. admin#RAIN24 Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang cluster of clouds sa silangang bahagi ng Mindanao na magdudulot ng malalakas na pag-ulan. Maliban sa namataang cluster of clouds ay may namataan rin na Low Pressure Area (LPA) sa Eastern Visayas na inaasahang magiging isang ganap na bagyo. Ayon kay PAGASA weather forecaster Alvin Pura, sakali umanong hindi magbabago ang direksyon ng LPA sa mga susunod na mga araw, ito ang ikaapat na bagyo na papasok sa bansa na papangalanang ‘Dante’. “Bale maliban sa cluster of clouds sa Min­danao, nakikita rin namin ‘yung LPA sa Eastern Visayas pero malayo pa ito at magi­ging malinaw ang direksyon nito sa susunod pa na linggo,” ani Pura. Sakali umanong magtuluy-tuloy ang pag-ulan at nakamit na nito ang criteria, isa na rito ang pag-ulan nang limang sunud-sunod na araw na may dami na 25 millimeters ay basehan na umano ito ng pagpapalit ng panahon patungo sa tag-ulan..pagasa.dost.gov.ph/wb/sat_images/satpic.jpg
Posted on: Thu, 06 Jun 2013 09:54:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015