CARJACKERS NALUMA SA TIBO LOVERS! Ni Cherk Almadin Alas-otso ng - TopicsExpress



          

CARJACKERS NALUMA SA TIBO LOVERS! Ni Cherk Almadin Alas-otso ng umaga kahapon, maliwanag na ang sikat ng araw pero hindi natakot ang dalawang lalakeng riding in tandem kahit na marami na ang makakakita sa kanila dahil naging mapangahas pa rin ang mga ito sa tangkang pang-aagaw ng sasakyan ng dalawang babaeng magkaangkas din sa isang bagung-bagong scoo­ter na kanilang nakasabay sa daan sa Caloocan City. Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO4 Frederick Manansala ng Caloocan Police-Station Investigation Division, binabaybay ng dalawang dala­gang magkarelasyon na sina Marilyn Orlando, 20, at Patricia Malvar, 19, ang Dagat-Dagatan Ave. patungong C-3 Road sakay ng brand new Yamaha Fino na wala pang plaka nang sabayan sila ng mga suspek na magkaangkas naman sa isang Yamaha Mio Soul na kulay asul at wala ring plaka. Biglang kinutuban si Orlando na siyang nagmamaneho ng scooter dahil maluwag naman umano ang kalsada pero hindi pa rin nag-o-overtake sa kanila ang mga suspek sa halip ay dinidikitan pa sila ng mga ito. Agad niyang kinalabit ang angkas na si Malvar at sinabihang holdaper ang mga suspek kaya pinakapit ang nobya dahil pahaharurutin niya ang takbo ng kanilang scooter. Pero bago pa man makaandar ng mabilis ang mga biktima ay kinuha muna ni Malvar ang kapote at payong sa kanyang bag saka kumapit ng mahigpit kay Orlando. Ngunit pinaharurot din ng mga suspek ang kanilang motorsiklo nang matapatan ang mga biktima ay tinadyakan ng angkas nito ang likurang bahagi ng tina-target na scooter dahilan upang biglang maipreno ni Orlando kaya nawalan sila ng balanse at sumemplang. Pagkasemplang ng mga biktima ay mabilis na buma­ba sa kanilang motorsiklo ang isang suspek at nilapitan ang scooter nina Orlando. Mabilis namang tumayo si Malvar at pinagtutusok ng payong sa batok ang suspek kaya natigilan ito sa pagsakay sa nanakawin sanang scooter. Ang kapoteng hawak din ni Malvar ang siyang isinaklob niya sa suspek at saka sila nagmamadali ring sumakay na muli ni Orlando sa kanilang scooter at pinaharurot ito bago pa man makalapit rin sa kanila ang isa pang suspek. Saktong dumating ang mga nagpapatrulyang pulis at nilapitan ang mga biktima. Nang makita ng mga suspek ang mga pulis ay nataranta na ang mga ito at sumakay sa kanilang motorsiklo saka mabilis na humarurot para tumakas. Hinabol pa sila ng mga pulis ngunit hindi na inabutan. “Nanakawin po nila ‘yung Fino ko, bagung-bago kasi ‘yun wala pang 24 hours sa akin ‘yun! Buti na lang alerto rin ‘yung GF ko (Malvar) kung hindi, nanakaw na scooter ko!” sabi ni Orlando sa Abante TONITE. “Habang tinutusok ni Pat (Malvar) ‘yung lalakeng aagaw sana ng scoo­ter ko, nagdadasal ako na ‘Diyos ko po, sana po walang baril! Sana walang baril!’ buti dininig naman ng Diyos ang panalangin ko! Wala ngang mga baril, kasi kung meron baka may nadisgrasya na sa amin ni Pat,” dagdag pa ni Orlando. Dinala ang magkasintahan sa Caloocan City Medical Center para magamot ang mga sugat at galos nila dahil sa pagkaka­semplang. Nagsasagawa naman umano ng follow-up operation ang mga pulis para matukoy at mahuli ang mga suspek. abante-tonite/issue/oct0413/news_story01.htm
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 21:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015