DH naglaslas (Aries Cano) Isang Filipina domestic helper (DH) ang - TopicsExpress



          

DH naglaslas (Aries Cano) Isang Filipina domestic helper (DH) ang nagtangkang magpatiwakal sa bahay ng employer nito sa Kuwait. Naglaslas umano ang hindi na pinangalanang Pinay pero naagapan at naisalba dahil agad na nakita ng amo nito. Napasugod ang mga paramedic kasunod ng paghingi ng saklolo ng Kuwaiti sponsor ng Pinay. Matapos malapatan ng pangunang lunas ay isinugod sa Farwaniya Hospital ang kababayang DH. Iniimbestigahan ng Kuwaiti authorities ang rason na nag-udyok sa kasambahay na Pinay para tangkaing tapusin ang sariling buhay. abante-tonite/issue/aug0513/crime_story06.htm
Posted on: Sun, 04 Aug 2013 20:33:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015