Kay Mariang Makiling ni Edgar Calabia Samar KAY MARIANG - TopicsExpress



          

Kay Mariang Makiling ni Edgar Calabia Samar KAY MARIANG MAKILING Edgar Calabia Samar Nagpaalam noon ang Nanay. Hindi ipinaalam kung saan siya pupunta. Anong pook ang maaari niyang puntahan upang di na magbalik? Anong pook ang maaari niya? Nagkampo kami ni Tatay sa Makiling. Inalala ang kuwento ng diwatang naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy. “Hindi na siya babalik,” sabi ni Tatay. Pag-uwi, tinanaw ko ang bundok, at totoo, mas maganda itong tingnan sa malayo: hindi matitinag, buo.
Posted on: Mon, 09 Sep 2013 12:19:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015