●/ Konsehal sa Abra pinatay; P500,000 pera ng biktima /▌ - TopicsExpress



          

●/ Konsehal sa Abra pinatay; P500,000 pera ng biktima /▌ tinangay ng gunman / Written by Bombo Baguio Published in Latest News Saturday, 06 July 2013 09:29 BAGUIO CITY - Patuloy ang isinasagawang hot persuit operations ng mga otoridad sa hindi nakilalang suspek na bumaril sa isang sangguniang bayan member sa cattle market sa Brgy. Talogtog, Dolores, Abra. Nakilala ang biktima na si Rogelio Pudol Talingdan, 52-anyos, at residente ng Sitio Naguilian, Brgy. San Gregorio, Lapaz, Abra. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakipagnegosasyon ang biktima sa isang nagbebenta ng baka bago ito nagtungo sa beranda ng opisina ng cattle market at dito na siya binaril ng suspek dahilan para sa agaran nitong pagkamatay. Napag-alamang kinuha ng gunman ang jacket (chaleko) ng biktima na pinaniniwalaang naglalaman ng P500,000 na cash bago ito tumakas. Narekober naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang deformed na bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril. Samantala, narekober din sa bulsa ng biktima ang isang black Nokia cellular phone, P27,000 na cash at isang certificate of ownership ng malaking baka. Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang iba pang anggulo sa tunay na motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/11059-konsehal-sa-abra-pinatay-p500-000-pera-ng-biktima-tinangay-ng-gunman#sthash.dibUlT63.dpuf
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 08:40:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015