Papasok nako ng gate ng bahay namin kanina, left hand nakahawak sa - TopicsExpress



          

Papasok nako ng gate ng bahay namin kanina, left hand nakahawak sa payong kasi umuulan at right hand hawak ang susi kasi inoopen ang gate, nang may humablot ng wallet ko na nakaipit sa left arm ko. Nung una di makuha ni kuyang magnanakaw kasi inipit ko ng mahigpit nung nafeel ko may kumukuha ng wallet ko, AT NAISIP KO PA NA MAY NANTITRIP SAKIN NA KAIBIGAN, nabitawan ko rin eventually. Pilit kong habulin si kuya kasi nadulas pa siya, pero nakatakbo na rin papalayo. Wala nako nagawa. Habang nakikita ko siya na tumatakbo papalayo, naalala ko na konti lang cash ko sa wallet kasi hiniwalay ko ang kakawithdraw kong pera kagabi. BUTI NALANG. Pero may pahabol pa akong sigaw kay kuya... "KUYA, WALANG PERA JAN! BAHALA KA! MAGSISISI KA!" Tapos sabay hanap sa cellphone na nakaipit sa back pocket, at nanginginig na binuksan ang gate. May witness sa mga pangyayri. Isang bata, mga anim na taong gulang. Maaring maalala ng bata ang mukha ni kuya, o baka nga kakilala niya kasi malakas ang kutob ko na tagarito lang rin yun pero naisip ko, ano ba naman yung 100+ na cash. Tapos narealize ko, may gift check dun ng Ansons 350php, dollar bills, atm cards at kung anu-ano pang cards, pictures, at siyempre yung red Girbaud na wallet na talagang spinecify ko sa wishlist ko nung Christmas, 2 years ago. Haaaay. Sana nakatulong sa kanya yung 100+ cash na andun. Sorry di niya malilibre tropa niya. Pero pwede ng pambili ng rice cooker ung gift check. Inubos ko rin pala laman ng atm card ko kagabi, sorry ulit sayo kuya. Gamitin mo nalang ung mga card collection ko. Ang useful lang sayo dun ay Mercury Drug card, tsaka NBS. Sa mga close friends ko na grumaduate na, andun mga creative at toga pics niyo. Ughhh. Medyo dun ako nanghihinayang talaga. Di ko alam ano gagawin ni kuya dun, idea nalang siguro pag nag UP siya tapos magcreative shot rin. Nanginginig pa rin ako ngayon. Di ko alam kung may lakas pako na umalis ng bahay. O pumasok ng bahay, bilang papasok ako ng gate nun. Pero thankful ako kay Lord na hindi ako sinaktan o sinaksak o dinuraan o kung anumang morbid stuff na naiisip ko ngayon. Mag-ingat tayong lahat. Sabi ni ateng kapitbahay sa convo namin: Me: Atee, hindi pala safe dito satin. Ate: Oo, wala na talagang safe na lugar ngayon. Nakakalungkot. Pero #medyototoo.
Posted on: Sat, 27 Jul 2013 08:17:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015