SC, idineklarang unconstitutional ang PDAF; 14-0 Umani ng - TopicsExpress



          

SC, idineklarang unconstitutional ang PDAF; 14-0 Umani ng unanimous vote na 14-0 ang pagdedeklara ng Supreme Court (SC) bilang unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Batay sa resolusyon ng Korte Suprema, kinakitaan ng sapat na basehan ang reklamo ng mga petitioner kung kaya pinanigan sila ng mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman. Una rito, patung-patong na petisyon ang tinanggap ng korte matapos matuklasang ginagamit ng ilang mambabatas ang kanilang PDAF sa mga kwestyunableng proyekto. Nakadagdag pa rito ang pagkakasangkot ng mga senador at kongresista sa pork barrel fund scam. Ilan sa mga kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman sina Sens. Juan Ponce Enrile, Ramon Bong Revilla Jr. at Jingoy Estrada, bukod pa sa kanilang mga staff. Kasama rin sa mga kinasuhan ang inaakusahang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.
Posted on: Tue, 19 Nov 2013 05:39:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015