--whitegirl-- Minsan... Hindi mo maramdaman ang minsahe ng - TopicsExpress



          

--whitegirl-- Minsan... Hindi mo maramdaman ang minsahe ng kanta. Hindi mo maramdaman ang magandang togtog na nagpapa sayaw sa lahat. Hindi mo alam kung paano mag react sa isang bagay. Hindi mo alam kung paano pakisamahan ang iba. Naubos na ang lahat ng emosyon sa sarili mo. Dahil naibuhos mo na ang lahat lahat sa taong minsan ay naging mundo mo. Ngayon ay tulala nalang. Walang kabuhay buhay ang mga mata. At parating naka titig sa kawalan. Walang ibang gusto kungdi ang mapag-isa at hayaang lumipas ang oras ng walang ginagawa. Walang kabuhay buhay kung iyong pagmamasdan. Ganito ang mangyayari kapag nawala ang mahalagang tao sa buhay ng kahit sino. Parang nawala na rin ang isang bahagi ng pagka-tao mo.
Posted on: Fri, 20 Sep 2013 23:55:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015