28 Agosto 2013 Tangkang pamamaslang sa Subic mayor, - TopicsExpress



          

28 Agosto 2013 Tangkang pamamaslang sa Subic mayor, nabunyag Nabunyag ang tangkang pagpaslang sa mayor ng Subic, Zambales makaraang makunsyensya at magsuplong sa pulisya ang dapat sana ay killer nito. Sa kanyang sinumpaang salaysay, isiniwalat ni Rommel Ave, 33, ng Avocado St., Sta. Rita, Olongapo City, kay P/SIns Jelson Dayupay, hepe ng Subic Police Station, ang plano ng isang grupo ng kakakihan para patayin si Subic Mayor Jefferson Khonghun. Ayon sa salaysay ni Ave, kinontak siya ng isang nagngangalang “Bert”, may-ari ng isang mamihan sa Olongapo, dahil mayroon itong kliyente na naghahanap ng mababayarang tao para pumatay. Noong umaga ng Ika-20 ng Agostyo, ipinakilala ni Bert si Ave bilang isang tirador o hired-killer sa isang nagngangalang Gregorio Gutierrez, 82, kung kanino nito nalaman na ang target niya ay si Mayor Khonghun. Sinabi pa ng killer-turned-informer na kaya umano nais patayin ni Gutierrez si Mayor Jay ay dahil galit ito sa opisyal dahil sa ginagawa nitong panggigipit sa kanyang negosyo. Si Gutierrez umano ay may-ari ng isang kompanya ng trak na nagseserbisyo sa Hanjin Shipyard dito sa Subic. Sakay ng puting Suzuki sedan na may plakang TBO 619, napagkasunduan ang halagang P100,000 kung mapapatay ang mayor. Sa loob din ng kotse pinlano ang gagawing pagmamanman kay Khonghun bago ang pagpaslang. Gayunman, sa halip na magmanman ay isiniwalat ni Ave sa bodyguard ni Khonghun ang tangkang pagpatay sa mayor, ngunit dahil parang hindi umano siya pinaniniwalaan ay nagpasya ito na humingi ng tulong sa pulisya kung saan ay agad na binuo ang planong paghuli kay Gutierrez at mga kasamahan nito. Muling nakipagkita kay Gutierrez sa Olongapo si Ave, kasama ang dalawang pulis na ipinakilala niyang mga “kasamahan,” para humingi ng perang paggastos. Inihatid ni Gutierrez ang tatlo sa Subic at habang nasa biyahe ay sinabi ni Gutierrez sa mga "killer" na kung hindi nila kayang gawin ang pagpatay ay marami namang maaaring kontakin pa na gustong tanggapin ang kontrata, lalo na sa Bataan. Pagdating sa Subic, nagpapababa si Ave sa Barangay Manggahan, Subic, para kunwa ay kunin ang motorsiklong gagamitin. Doon ay iniabot ng matanda ang gagamiting kalibre .45 baril at mga bala pati na ang hinihinging salaping panggastos sa pagtakas. Pagkababa ni Ave sa sasakyan ay saka naman nagpakilala ang mga pulis at inaresto si Gutierrez. Agad na nagsagawa ng follow-up operation sa Olongapo sina Dayupay at mga tauhan upang maaresto si Bert ngunit hindi na nila ito nakita. Samantala, ilang personalidad, kabilang ang isang nagtatrabaho umano sa munisipyo ang sinisiyasat pa hinggil sa kaugnayan nila sa planong pagpaslang kay Khonghun.
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 05:43:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015