4 lalawigan nilindol (Joselito Perez) Apat na lalawigan ang - TopicsExpress



          

4 lalawigan nilindol (Joselito Perez) Apat na lalawigan ang nakaramdam ng mahinang paglindol, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon. Sa Iloilo, naramdaman ang 3.3 magnitude na lindol dakong alas-12:32 ng madaling-araw sa layong 38 kilometro at lalim na 23 kilometro timog silangan ng San Joaquin ng nabanggit na lalawigan. Magkasabay namang nilindol ang Isabela at Lanao del Sur sa oras na alas-3:17 ng madaling-araw. Habang 3.3 magnitude naman sa hilagang kanluran ng San Manuel, Isabela sa layong apat na kilometro at lalim na 25 kilometro. Bandang alas-12:09 naman ng tanghali nang maitala ang 3.2 magnitude na lindol sa timog silangan ng San Julian, Eastern Samar sa layong 48 kilometro at lalim na tatlong kilometro. Tectonic lahat ang origin ng naturang mga lindol. abante.ph/issue/jul0113/vismin01.htm#.UdEyWjswp3U =m
Posted on: Mon, 01 Jul 2013 07:41:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015