A popular quotation says… “The first to APOLOGIZE is the - TopicsExpress



          

A popular quotation says… “The first to APOLOGIZE is the BRAVEST The first to FORGIVE is the STRONGEST The first to FORGET is the HAPPIEST” – Anonymous This is also applicable on how to manage our children. Dahil ang mga magulang ay tao lamang, nagkakamali rin sila. Sa mga pagkakataong tayo ang nagkamali, dapat tayo rin ang pinakamabilis humingi ng “sorry” sa ating mga anak. In one of our seminars, sabi ng isa naming participant, “Ano? Hihingi ako ng sorry sa anak ko? Hindi naman yata tama ‘yan.” Ang sagot namin, “Mahihirapan na matutong humingi ng sorry ang anak n’yo kung alam niyang kayo mismo ay hindi marunong humingi ng ‘sorry’ kahit nagkamali kayo.” Asking forgiveness is not a sign of weakness, but a sign of strength. Hindi lang kayo dapat mabilis humingi ng tawad. Dapat ay mabilis din kayong magpatawad. Sa mga pagkakataong nagkakasala ang mga anak, kung minsan, sa galit natin, hindi natin sila mapatawad. Isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit maraming bata ang hindi nagsasabi ng kanilang mga kasalanan sa magulang ay dahil natatakot silang hindi sila kayang patawarin ng kanilang mga magulang. Let us share with you a story ng isang nanay at ang kaniyang anak. Palaging sinasabi ng nanay, “Anak, huwag kang gagawa ng anumang maling bagay at baka hindi kita mapatawad.” Ang bata ay isang mabait at masunurin na anak. Halos lahat ng payo ng kaniyang magulang ay sinusunod niya. Hanggang ang bata ay makarating sa college. Sa college, napakaraming masasamang impluwensya na humila sa bata na makagawa ng mga bagay na alam niyang hindi magugustuhan ng kaniyang nanay. Sa takot sa kaniyang magulang, ang bata ay nagpakamatay at nag-iwan ng suicide note that reads something like this, “Nay, sorry po. Nakagawa po ako ng isang kasalanan na sigurado ako’ng hindi n’yo mapapatawad. Paalam.” Pag-isipan nating mabuti kung bakit nagpakamatay ang bata. Dahil ba nakagawa siya ng isang kasalanan? Ang sagot namin ay, “Hindi.” Nagpakamatay ang bata dahil alam n’ya na hindi siya kayang patawarin ng kaniyang Nanay. Halos lahat ng magulang ay ayaw magkamali ang kanilang mga anak. Kung minsan lang, nakakalimutan nating hindi sila perpekto. Mula nang malaman namin ang kwentong ito, palagi naming sinasabi sa aming mga anak, “Anuman ang magawa ninyong mali sa buhay, palagi ninyong tatandaan, na lagi kaming nandito para magpatawad at tumulong sa inyo.”
Posted on: Fri, 14 Mar 2014 00:27:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015