Anak ni Ai Ai, bet na bet si Marian Marian, sinorpresa ni - TopicsExpress



          

Anak ni Ai Ai, bet na bet si Marian Marian, sinorpresa ni Dingdong! Naluha si Ai Ai delas Alas pagkatapos ng premiere night ng Kung Fu Divas sa Megamall. Sey ni Ai Ai, sulit na sulit ang pinaghirapan nila ni Marian. “Tears of joy ‘yon. Nagulat ako sa movie. Sobrang ganda talaga. Sabi ko nga kay Baby Powder (tawag niya kay Marian Rivera), sobrang ganda ng movie natin. “At sa totoo lang, mami-miss ko talaga si Marian. Labyu partner ko,” sey ni Ai Ai. Pati raw ang anak niyang si Sancho ay mami-miss din si Marian. Kung wala nga lang daw Dingdong Dantes si Marian, gagawin niya ang lahat para mapangasawa ng anak niyang si Sancho si Marian. Ang mga salitang Congrats babe @therealmarian “ echoslang ifyou dreamdreambig mangangarap ka na nga lang sagarinmona tagingkabit premierenight kfd kungfudivas” ang mga hashtag na mababasa mo sa Instagram ni Ai Ai. Anyway, sa kuha naman ni Paolo Luciano, na staff ng PPL ni Perry Lansigan, makikita ang sunud-sunod na pictures na kuha niya, na kung saan ay sinorpresa nga ni Dingdong si Marian sa premiere night. “Dingdong Dantes surprises Marian Rivera at the #KungFuDivas premiere night!”
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 06:42:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015