“Christmas is the Result of Sacrifices” (Matthew - TopicsExpress



          

“Christmas is the Result of Sacrifices” (Matthew 1:18-21) “Our topic for today is about how Christmas becomes possible because of combined sacrifices of God and men, and our text is found in the Gospel of Matthew the first chapter and verses eighteen to twenty-one; “Now the birth of Jesus Christ took place in this way. When his mother Mary had been betrothed to Joseph, before they came together she was found to be with child from the Holy Spirit. And her husband Joseph, being a just man and unwilling to put her to shame, resolved to divorce her quietly. But as he considered these things, behold, an angel of the Lord appeared to him in a dream, saying, “Joseph, son of David, do not fear to take Mary as your wife, for that which is conceived in her is from the Holy Spirit. She will bear a son, and you shall call his name Jesus, for he will save his people from their sins.” Alam na natin na ang unang nag sacrifice dito ay walang iba kundi ang ating Amang sumasa langit at si Hesus na Anak ng Diyos. “For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life.” (John 3:16) At ang pangalawang nag alay ng sacrifice ay walang iba kundi si Mary na naging ina ni Hesus sa laman. Hindi madali kay Maria ang magbuntis na isang birhen lalong lalo na dahil siya ay naka-engaged na kay Jose. Ang batas at customs ng mga hudio kapag ikaw naka bethrothed na, at natagpuan na ikaa’y nagalaw ng iba, ito ay nangangahulugan ng kaparusahang kamatayan. Ito ay isang pagtataksil na may kaparusahang kamatayan. Kaya nga malaki ang naging sacrifice dito ni Mary sapagkat nakataya dito dilang ang kanyang sariling reputasyon bagkus ang reputasyon ng lahat ng kanyang angkan o lahi. Hindi inalintana ni Mary ang magiging kahihinatnan ng kanyang buhay bagkus willing siyang sumunod sa kalooban ng Diyos. “And Mary said, “Behold, I am the servant of the Lord; let it be to me according to your word.” And the angel departed from her.” (Luke 1:38) Kung hindi nag sacrifice si Mary at pinalaglag ang sanggol wala tayong ipinagdiriwang na Pasko ngayon. Dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos siya ay tinawag na napakapalad na babae. Kung gusto rin natin tawaging mapalad sumunod tayo sa kalooban ng Diyos. Ang pangatlong nag sacrifice ay si Jose na naging asawa ni Mary. Hindi rin madali kay Jose ang nangyari kay Mary at sa kanilang relasyon. Kaya nga dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Mary ay dina lang ipapaalam sa publiko ang nangyari bagkus iiwanan nalang niyang lihim. “And her husband Joseph, being a just man and unwilling to put her to shame, resolved to divorce her quietly.” (Matthew 1:19) Buti nalang nangusap ang anghel sa kanya sa panaginip kaya di na niya itinuloy ang pag-alis. Malaki ang naging sacrifice ni Jose dahil di niya ginalaw si Mary hanggat di isinisilang si Hesus. Just imagine na ikinasal ka sa isang babae subalit walang pagtatalik ng mga isang taon. Kung matindi ang naging sacrifice ni Mary I believe na mas matindi ang sacrifice ni Jose. Isang malaking himala o isang malaking pagtitiis at sakripisyo ang ginawa ni Jose alang alang sa kalooban ng Lord. Nakaya niya ang lahat ng ito dahil din sa pagmamahal niya sa Lord, sa asawa niya at sa atin na sangkatauhan. Kapag tayo ay umi-ibig ay kaya nating mag sacrifice at ibigay ang lahat. Kaya pala naibigay ng Diyos ang Kanyang Kaisa-isang Anak para sa atin dahil sa Kanyang laking pagmamahal. “For God so loved the world, that he gave his only Son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life.” (John 3:16) Ano naman kaya ang pwede nating isakripisyo sa Diyos ngayon bilang pagpapakita ng ating pagmamahal sa Kanya? Ito ang sinasabi ng Aklat ng Hebreo; “Through him then let us continually offer up a sacrifice of praise to God, that is, the fruit of lips that acknowledge his name. Do not neglect to do good and to share what you have, for such sacrifices are pleasing to God.” (Hebrews 13:15-16) Panahon na para mag-alay ng sacrifice of praise na tuloy tuloy at pagpapasalamat sa Kanyang pangalan. Kailangan din nating gumawa lagi ng kabutihan sa ating kapuwa at ibahagi sa iba ang anuman na nasa atin sapagkat ito ang mga alay na nakakalugod sa Kanya. “By this we know love, that he laid down his life for us, and we ought to lay down our lives for the brothers. But if anyone has the worlds goods and sees his brother in need, yet closes his heart against him, how does Gods love abide in him? Little children, let us not love in word or talk but in deed and in truth.” (1 John 3:16-18)
Posted on: Thu, 25 Dec 2014 22:05:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015