Dear. Sigarilyo nung una kitang makita kakaiba na ang dating mo - TopicsExpress



          

Dear. Sigarilyo nung una kitang makita kakaiba na ang dating mo sa akin at kakaiba ang karisma mo kasi ang dami kong nakikitang nahuhumaling sayo kaya sinubukan kita pero ang daming nagsabi sakin na mali ka daw masama,bawal sa katawan pero ang nasa loob2x ko lang nung nasubukan kita mahirap pero masarap ka pala lalo na kapag kakatapos ko kumain at sinabi ko sa sarili ko na mali ang hinala nila sayo kasi napakasarap ng piling ko kapag kasama kita lagi kang andyan kapag boring ako at minsan ikaw ang nagbibigay lakas ng loob saken kapag kinakabahan ako halos araw2x nga tayong magkasama kahit saan ako mapunta kasama kita inde mo ako iniiwan at sikat na sikat ka pa sa barkada kaya sayo ako at kakaiba nga talaga ang karisma mo kasi sa bawat sandaling wala ka hinahanap hanap kita at para akong mababaliw kapag di kita nakasama yun tipong kahit saan hahanapin ka at yun tipong minsan basta kamukha mo mapapula man yan o mapaputi pwede na matagal tagal na din tayong magkarelasyon halos 8 yrs na nga yata tingin ko nga sa sarili ko eh BALIW NA AKO SAYO ADIK NA AKO SAYO MAHAL NA MAHAL NA KITA AT HINAHANAP HANAP KITA . may ipagtatapat ako sayo ngayon ha parang nawawalan na ako ng gana sa relasyon natin dati kasi halos 15X a day kitang ginagamit nilaspag mo na nga ako eh pero ngayon mga 5x nalang siguro kasi nakakaramdam na ako ng panghihina eh at minsan naaawa ako sa sarili ko kapag nakikita ko yun mga taong nabiktima mo minsan nga napapaisip akong masama ka talaga kasi sinaktan mo sila eh binigyan mo sila ng sakit sa puso yun iba pa namatay dahil sa pagmamahal sayo natatakot akong magaya sa kanila kaya nga medyo umiiwas na ako sayo pero napakasarap pa rin ng piling kapag kasama ka kahit masakit na minsan kakaiba ka magmahal hindi ako makihinga minsan sa yakap mo alam kong totoo ka magmahal kahit minsan iniiwanan kita at iniiwasan andyan kapa rin nagpapakita sakin minsan kasama ka ng barkada ko kaya minsan dko maiwasan mainggit at magselos kapag nakikita kong masaya sya sayo kaya nakikihati ako sa barkada ko minsan nga nag-aaway at nag-aagawan pa kami para matikman ka ang lakas mo makaakit kahit puro masama ang sinasabi nila sayo . pero kahit anong sarap mo masama ka talaga alam mo ba yun sana naman malaman mo para mahinto na to pero alam kong inde mo aaminin masama ka eh at wala sayo ang sisi kasi kami ang lumapit sayo kaya nasa amin ang pagsisisi sana maiwasan na kita talaga at makalimutan natatakot ako sayo baka ikaw pa ang magtulak sa aking kamatayan dala ng maling pag-ibig ko sayo. CHAIN SMOKERAko pero ngayon iwas2x na hanggang sa maalis at makalimutan masama yan eh mali HAHA
Posted on: Thu, 01 Aug 2013 07:41:34 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015