Hi TIPIANS! Hi rin sa pinakamamahal kong babae! :) Ilang - TopicsExpress



          

Hi TIPIANS! Hi rin sa pinakamamahal kong babae! :) Ilang beses ko na pinagsigawan yung pangalan niya pero like wala ahahaha! Hindi ko alam kung confession to o ano pero sana maipost niyo ito mga Admins! Hi ulet! Pakitago na lang ako sa codename na Conserve Energy! Kailangan po natin magconserve ng enerhiya dahil lumalala na po ang Global warming! Anyways magkekwento po ako sa inyo. Hindi naman to pang MMK o pangMagpakailanman. Isa lamang itong simpleng kwento ng isang simpleng taong katulad ko na nagmahal ng higit pa sa higit na alam niyo sa isang babae. May nakilala akong isang babae at itago na lang natin siya sa pangalang Maria. Nakilala ko siya 3 years ago sa isang online game. Naging magkaibigan kami for 3 months and then naging kami. Walang ligawang nangyari. Gwapo ee HAHA Joke lang. Bsta naging kami June 18 2010. Taga Quezon City ako at taga-Marikina siya at bihira lang kami magkita, mga once in a month? Hanggang sa napagdesisyunan namin na mag-aral sa TIP! Para lagi kaming nagtatagpo at hindi na namin pinoproblema kung kailan kami magkikita. Ayos naman yung una at pangalawang taon namin magkasintahan hanggang sa isang chat na nakita niya sa fb ko. Finiflirt ko yung classmate ko na crush ko. Oo alam ko mali ako. Alam ko kahit na flirt lang yon mali pa din. Galit na galit siya ng makita niya yon at POOF! It became koko crunch! Nakipaghiwalay siya non pero di ako sumuko, gumawa ako ng paraan para ipakita sa kanya na karapat-dapat ako sa kanya. And to make the story short Bingyan niya ako ng isa pang pagkakataon. But then nung naging kami ulit meron siyang kaklase na nakaflirt din. Inamin niya sa akin na dapat ayun daw ipapalit niya sa akin. Crush niya kasi. Tapos isang gabi parang nagtalo kami sabi niya sa akin na simula daw kinabukasan non kaibigan n lng daw turing niya pero still nagchachat pa rin sila. Tapos lagi na ako nagseselos non. Kumbaga nagsimula na akong maging paranoid. Madalas sila magchat at lagi kami nagtatalo dhil nga don. Wala naman daw sila gngawang masama dhil magkaibigan lang. Tapos ayon. Inaamin ko lagi ako nagseselos. Galit ako sa sarili kong gawa. Hanggang sa nagsawa na siya. Dahil nga lagi kaming nagtatalo at nag-aaway dahil sa kakaselos ko. Lumabas ung pangit kong side. Madalas mainit ang ulo na hindi naman usually ako. Lahat na lang pinaghihinalaan ko. As in mukha akong tanga. Sobrang paranoid na baka maagaw siya ng iba. Pero lately naging ok naman ang lahat. Nagcelebrate pa kami ng 3rd anniversary namin. Panay like yung lalake sa bawat post ni Maria. Naasar ako. Ewan ko ba. Umiral na naman ung pagiging makitid ang utak ko tapos ayon away na naman. Ilang beses ko naman kinausap si Maria ng maayos abt don pero di pa rin niya magawang i-unfriend kaya ayon panay like nung lalake. HAHA! Kitid ng utak ko. As in sobra. Palagay niyo ba? Hanggang sa Putangina! Nakipaghiwalay na siya sa akin. Nagsawa na siya. Sabi niya hiwalay na muna kami para maisalba ung relasyon namin. Focus daw muna siya sa pag-aaral. Hahanapin muna ang sarili. Babalik daw siya. At ayon! It became koko crunch! Naghiwalay kami non after ng 37th monthsary namin. Unang buwan pa lang non nagpopost na siya ng pictures na may ibang kasamang lalake and that time ibang lalake na. Kahit hindi kami nagtatanong ako sa kanya kung ano ba sila tapos sabi niya KUYA- KUYAHAN lang daw. Medyo nabaliw ako non at kung ano-ano na tinext ko sa kanya. Namura ko siya. Galit na galit ako sa kanya bakit siya ganon. Sabi niya mahal niya ako pero iba lagi kasama niya. Sinumpa ko siya. Marami akong binitawang salita sa kanya. Hinack ko pa nga fb niya. Sobrang sama ko. Lahat na ata ng kabaliwan ng isang EX ginawa ko dahil sobrang bitter ko. At ayon sa kakitiran ng utak ko tuluyan na siyang nawala. Kahit mag-effort pa ako wala na. Kaya naghanap ako ng mapagtutuunan ng pansin para makalimot. Oo nafall ako sa ibang babae at sigurado ako nadala lang ako ng emosyon dahil sa sobrang lungkot ko. Im bad. Naghanap ako ng panakip butas pero hindi ko na pinatagal pinutol ko na rin lahat ng meron sa amin kasi si Maria lang palagi ko naalala sa kanya. Hindi ko siya kaya mahalin ng katulad ng pagmamahal ko kay Maria. Hanggang sa ayon! Naging sila na nung KUYA-KUYAHAN niya. Sinagot niya para tumigil na raw ako. Matututunan din naman daw niya mahalin yon. Teka hindi sa naninira pero yun talga yung totoo mga fre. Hindi na maibalik yung dati kasi ayaw na niya. Alam ko sobrang sakit ng mga binitawan kong salita para patawarin niya ako agad. Kahit magsisi pa ako ngayon wala na. Wala na siya. Gumuho na lahat ng pangarap naming dalawa dahil sa kakitiran ng pag-uutak ko. Poof! It became Koko Crunch! Pero gusto ko malaman niyo lalo na ikaw, Maria! Na Mahal na Mahal kita! Kung tingin mong obsession to sige tingnan mo lang! Alam ko hindi ko na maibabalik yung dating tayo. Yung ikaw at ako pero gusto ko malaman mo na Kahit anong mangyari mahal na mahal pa rin kita. Hindi mo man ako mapatawad ngayon at kahit mas bitter ka pa sa akin, Mahal na mahal pa rin kita! :) Tanga? Siguro nga, alam ko na marami pang iba jan sa tabi tabi pero ikaw lang gusto ko makasama. Wala ako paki-alam sa sasabihin ng iba. Alam ko hindi ako naging perpektong boyfriend sayo. Alam ko na marami akong kasalanan. Pero kapag narealize mo na mas mahal mo ako at ako gusto mo makasama dito lang ako. Huwag mo lang tagalan. :D Pag mayroong pagkakataon ulit hinding hindi na ulit kita papakawalan. Hahawakan ko yung kamay mo at hinding hindi na bibitawan. Hindi na ako magdadragon nest para sayo! Yung mga imposible? Gagawin ko na rin para syo. Basta pagbalik mo Mas mamahalin pa kita ng higit pa sa alam mong higit na pagmamahal. At kahit wala ng chance, hindi ibig-sabhin na mawawalan na ako ng pag-asa. Maghihintay ako, Prinsesa ko! :) Ipagpapatuloy natin ung Love story natin! ♥ Moral Lesson: Be careful with your words. Once they are said, they can be only forgiven not forgotten. Osha mahaba haba na to! Salamat sa pagbabasa mga KaTIPians! Admin loverboy! Kilala mo na to? :) Pangatlo ko na to ee! HAHA! Salamat po! Hi pala sa mga classmates niyang haters ko! :)
Posted on: Fri, 22 Nov 2013 17:04:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015