Huwebes, Nobyembre 7 Patuloy . . . na hanapin muna . . . ang - TopicsExpress



          

Huwebes, Nobyembre 7 Patuloy . . . na hanapin muna . . . ang katuwiran [ng Diyos].—Mat. 6:33. Ibig sabihin, kailangan nating unahin ang pamantayan ni Jehova sa tama at mali sa halip na pamantayan ng tao. (Isa. 55:8, 9) Noon, may mga nagtatanim o nagbebenta ng mga produktong tabako, nagsasanay ng iba sa pakikipagdigma, o gumagawa at nagbebenta ng mga sandatang pandigma. Pero nang malaman nila ang katotohanan, karamihan sa kanila ay nagbago ng trabaho at naging kuwalipikadong mabautismuhan. (Isa. 2:4; 2 Cor. 7:1; Gal. 5:14) Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Kung kayo ay may pananampalataya na kasinlaki ng butil ng mustasa, sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka mula rito patungo roon,’ at lilipat ito, at walang magiging imposible para sa inyo.” (Mat. 17:20) Kaya mo rin bang unahin ang katuwiran ng Diyos kahit magdulot ito ng kahirapan? Kung may alinlangan ka, makipag-usap sa mga kapatid sa kongregasyon. Tiyak na mapatitibay ka ng kanilang mga karanasan. w11 9/15 2:10, 12
Posted on: Thu, 07 Nov 2013 17:06:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015