ITIM NA ROSAS (A short story) by Unknown Dati natatawa ako sa - TopicsExpress



          

ITIM NA ROSAS (A short story) by Unknown Dati natatawa ako sa sarili ko. ALam niyo kasi nun, OJT pa lang ako sa mall na ngayon ay pinagtratrabahuan ko na, eh, may GF ako na tinatawag… pero ang masaklap hindi niya alam na GF ko siya, hehehe. Oo nga! Kasi naman hindi niya ako kilala pa noon, suplada kasi si Geraldine non, pero cute kaya crush na crush ko siya. Isa sa mga crew ng mcdo nun si Geraldine, kahit hindi pa ako gutom pag nakita ko na siya napipilitan ako na bumili hehehe kahit coke float lang… technic ko para mapansin niya ako, kaya lang suplada talaga, pagkatapos ako e-assist next na siya agad sa nkapilang mga costumer. Naalala ko pa valentines may dala akong rose gusto ko ibigay sakanya pero tinago ko nalang at baka masupal-pal lang niya ako. Mahirap na. Mahirap magka-GF ng hindi naman mo GF hehehe. Umaasa nalang ako sa tanaw, kapag napapadaan ako sakanila, o kaya naman pag uwian na nila, alam na alam ko na kasi nun ang out niya, pinag aralan ko na talaga, wala naman, yun, andun lang ako sa malayo at tinatanaw siya, halos lahat nga yata ng damit niya, kabisado ko na kasi walang araw na diko pwede na hindi ko siya makita. Hangang sa di sinasadya, nagkabangaan kami sa CR ng mall, magkatapat lang kasi ang pinto ng males CR at ladies CR dun, sakit ng ulo ko nun, tumama sa noo niya, siya din namula ang noo niya, matangos kasi ang ilong ko kaya nasaktan din siya hehehe. Sorry siya ng sorry ang di niya alam tuwang tuwa pa ako, “this is it!” kilig ko sa loob loob. “Sorry po talaga!” paumanhin ulit niya, tiyempo ko na para pumasok sa eksena. “Ok, lang Geraldine,” kako. Hawak ko parin ang ilong ko, masakit pa rin, eh! Kunot-noo siya, “kilala mo ako?” Tumango ako saka nginuso ang name tag niya sa dibdib. Napangiti siya. “Ako nga pala si Xiankent,” pakilala ko naman, nga lang di pa man nagpang abot ang mga kamay namin, eh, lumabas na ang kasama nyang nag-CR, tinawag na siya nito, yung kamay ko nangawit lang sa kakaantay na mahawakan sana ang kamay ni Geraldine. Ngiti lang siya ulit, “CG, ha? May work pa kasi ako,” paalam niya. Wala ako nagawa kundi ibalik ang napahiya kong kamay sa ilong ko na masakit. “Sorry ulit Xiankent, CG alis na kami.” Nabitawan ko na ang ilong ko sa taranta, “wait!” Stop naman si Geraldine, lumingon siya sakin. “Pwede makuha number mo?” lakas loob ko na tanong, pinagpawisan ako ng malapot, first time eh. Tumango naman siya. Napa-yes ako ng lihim. “Kumain ka sa Mcdo mamaya,” tipid na sagot niya. Pagkasabi niya umalis na si Geraldine. Nganga! Patay ako wala pa naman ako pera, nakabudget na ang pera ko sana sa pang-karinderya lang, pero ginawan ko ng paraan, agad ko hinanap si Aldrin, ang tropa ko sa trabaho, niyaya ko ito na kumain sa Mcdo. Angal si aldrin pero napilit ko parin, muntik pa ako jombagin ng sinabi ko na sagot niya muna, tawa lang ako sa reaksyon niya. Ako na ang nagpresinta na mag order ng kakainin namin, syempre sa counter ni Geraldine ako pumila. In-assist ako ni Geraldine na parang ordinaryong customer lang, sa resibo ng inorder ko nakita ko doon isinulat ni Geraldine ng lihim ang kanyang contact number. “Orders complete, sir, thank you come again po!” anya na parang wala siyang ginawang kalokohan. Kulang nalang ay lumundag ako ng lampas bubong ng mall sa katuwaan. Agad ko binulsa ang resibo. *** Nang maka-uwi ako sa bahay, dun ko ti-next na si Geraldine, agad din naman itong nagreply at agad din ako nagparamdam na gusto ko manligaw. Pwede naman daw ang kaso lang, may kondisyon siya, pwede daw ako manligaw kung mabibigyan ko siya ng itim na rosas. Halos magdugtong ang aking mga kilay sa kundisyon na iyon ni Geraldine, itim na rosas? Meron ba yun? Trinay ko umangal, “pwede bang yellow na rosas nalang?” kako sa text. Pero ang reply niya, “sorry Xiankent pero yun lang. Ang itim na rosas lang ang makakapagbukas ng aking puso, pangako ko yun sa sarili ko bata palang ako, na lalaking makikipagbigay lang sakin ng itim na rosas ang mamahalin ko.” Nasapo ko ng mukha ko sa walang kwentang basehan ni Geraldine sa kanyang iibigin. Paano pala kung walang lalaking makakapagbigay sakanya ng itim na rosas? Eh di, tatanda nalang siyang mamatay, sayang naman ang ganda niya. Ilang araw ako na nag-isip kung saan ako makakakuha o makakabili ng itim na rosas, kung di ko lang sana mahal si Geraldine, sasabihin ko na lang bahala siya sa buhay niya. Kaso lang mahal na mahal ko talaga siya kaya handa ako ialay sa kanya ang itim na rosas na hinihingi niya ngayon pa na magkasundo na kami, antagal ko siyang minahal sa tingin tingin lang ngayon pa kaya na abot kamay ko na siya saka ako susuko pa. Sinumpa ko sa sarili ko na makakahanap din ako ng itim na rosas. Marami ako naisip. Isa na dun ang pinturahan ko ng itim na pintor ang plastic na rosas pero natawa lang si Geraldine ng makita niya ang ginawa ko, umiling siya. Pangalawang naisip ko ang mag-drawing sa papel at ibigay sa kanya. Kaya lang iling din si Geraldine. Mas madami pa siyang tawa ilang araw at lumipas na nga ang buwan wala pa ako nahahanap na itim na rosas, bawat araw na lumilipas, napupuno ng pangamba ang dibdib ko na baka maunahan ako ng ibang lalaki. Nalaman ko kasi na hindi lang ako ang hinamon ni Geraldine sa kanyang kundisyon, lahat pala ng nagkakagusto sa kanya. Gayunpaman kahit di ko pa naiialay ang itim na rosas sa kanya ay naging maayos naman ang pakikisama sakin ni Geraldine, mas tumindi pa ang pag kabuwangan ko na GF KO SIYA HINDI NGA LANG NIYA ALAM pa, hehehe. Naging magkaibigan kami ni Geraldine, kaya kahit di ko pa siya pormal na GF, GF ko na siya... at nagpatuloy pa ang pagkakaibigan namin. ** Valentines na naman, gusto ko sana siya bigyan ng rosas gaya ng dati, pero ganun pa rin, di ko pa rin maibigay dahil naunahan na ako ng text ni Geraldine na ayaw daw pala niya ng pulang rosas or kahit na anong klaseng kulay na rosas kaya kung may balak daw ako na bigyan siya, wag ko na lang daw ituloy. Hindi man sinabi ni Geraldine kung ano ang gusto niya, alam ko na na ITIM NA ROSAS yun. Sumakit ang aking ulo kakaisip kung saan ako kukuha o bibili, isang araw na lang valentines na. ** Kinabukasan, valentines na talaga, wala akong nagawa kundi ang bumili nalang ng tatlong red roses para kay Geraldine, nahiya na akomagtanong sa pinakalast na alam ko na flower shop kung may tinda ba silang itim narosas dahil tinatawanan lang ako. Nakipagkita sakin si Geraldine, gaya ng inasahan ko, iniwan lang din niya sa akin ang inalay ko na tatlong red roses. Wala ako nagawa kundi ang itago nalang ulit ito tulad ng rosas na itinago ko rin nong una na sana ay para sa kanya din pero di ko nagawang ibigay noon, pagdating ko sa bahay, hinanap ko ang libro na pinagtaguan ko ng rosas na iyon noon. Tanda ko pa inipit ko lang iyon sa pahina ng libro. Nang makita ang libro, binuklat ko ito, kunot-noo ako ng makita ko ang rosas na itinago ko noon, naging itim na ang kulay nito sa sobrang tagal na nakaipit sa libro. Namilog ang mga mata ko nang biglang may naisip na idea ang utak ko. TAMA! ITO ANG IAALAY KO KAY GERALDINE. ITIM NA ROSAS! Ok lang ulit kung hindi e-a-accept. ** Muli ako bumalik sa bahay nina Geraldine, dala dala ang libro. 20 minutes bago mag-Febuary 15. “Para sa ‘yo!” kinakabahang wika ko. Ngumiti siya na inabot iyon. “Ano to?” “Buklatin mo!” Sunod naman siya. Nagulat siya ng bumungad sa panigin niya ang tuyong rosas sa isang pahina. “Red yan noong binili ko, para sa ‘yo din sana ‘yan kaso nagdalawang isip ako nun kasi nga hindi pa tayo magkakilala, pero ngayon itim na siya, siguro nga ay talagang para sayo ang rosas na iyan,” ani ko. Nakita ko ang unti unting pagngiti ni Geraldine. Maya-maya ay iniabot ulit sakin ang libro, “wait lang,” aniya. Naiwan ako sa sala nila na takang taka, naisip ko na hindi na naman pumasa ang itim na rosas ko na dala. Saglit pa ay katapat ko na ulit si Geraldine na nakaupo sa sopa. May hawak itong kahon, dahan-dahan niya iyon binuksan sa aking harapan. Nakita ko sa loob nun, ang ROSAS NA TULAD NG DALA KO ,MAY BROWN AT MAY ITIM NA, sa sobrang tagal na siguro na nakatago na din ito sa kahon. Nakita ko nalang din si Geraldine na tumutulo na nag kanyang mga luha, “bakit?” ang tanging natanong ko. “Antagal na din ng huli ko binuksan ang kahon na ito. Alam mo ba kung kanino galing ang mga rosas na ito?” umpisa ni Geraldine sa madamdamin niyang salaysay. “Dala-dala ito ng tatay ko, ga-graduate ako sa elementary noon, at ito ang gift niya sakin, late na siya non sa gradutation ko kaya mabilis siyang nagpipidal ng bike, pero nabanga lang siya ng isang kotse at iniwanan nalang basta basta, ang maraming rosas na dala niya para sakin ay ito nalang ang nakita ko na hawak niya habang duguan siya na nakahandusay sa kalsada, namatay siya dahil sa kagustuhan lang niyang maibigay ang rosas na regalo niya para sakin,” tigmak ng luha si Geraldine. Natahimik ako sa naririnig ko mula kay Geraldine, may rason pala ang lahat. “Kaya itinago ko ang rosas, dalaga na ako ng muli ko buksan ang kahon, at ganito na nga itim na siya sa sobrang tagal na, mahal na mahal ako ng tatay ko, kaya mula nun, ginusto ko na ang lalaking mamahalin ko ay tulad ng pagmamahal ng tatay ko sa ‘kin, kaya naging sign ko na noon pa na ang lalaking mamahalin ko ay ang makakapagbigay sakin ng tulad nito.” Tapos na ang mahabang salaysay ni Geraldine, pero tahimik parin ako, “Xiankent?” pagkuway narinig ko na bumasag sa katahimikan namin. Lumingon ako kay Geraldine. “Siguro nga ay ikaw na ang gusto ng tatay ko na lalaking mamahalin ko.” Napatitig ako sa magandang mukha ni Geraldine. “Ayaw mo ba?” “Kung ganun pasado na ang dala ko na rosas?” “Itim naman yang dala mo, di ba?” Gusto ko matuwa kaya lang nang maisip ko na dahil lang sa itim na rosas ko ay mamahalin na ako ng babaeng mahal ko, parang mali. “Hindi ka ba masaya na sinasagot na kita?” tanong ulit sakin ni Geraldine. “Masaya, kaya lang kung mamahalin mo lang din naman ako dahil sa itim na rosas, parang hindi ‘ata tama, ang gusto ko sana, eh, mahalin mo din ako ng kusa.” Natawa si Geraldine. “Seryoso ako,” kako. “Eh, panu kung sabihin ko sayo na noon pa man sa CR, eh, minahal na kita?” “HA?” shocked ako. “Sabi ko nang magbanggaan tayo sa CR, eh, minahal na kita.” “Weh? Di nga?” di ako makapaniwala. Sunud-sunod ang tango niya. Dahil dun ay niyakap ko na nang mahigpit si Geraldine. Noon din pala ay crush na din pala ako ni Geraldine, hahaha, nagpakipot lang at ang itim na rosas ay basehan na lang niya kung gusto ba ako ng tatay niya na lalaki para sa kanya. Pasalamat ko na lang dahil binasbasan naman ako ng tatay niya. Sa puntod na lamang niya ako nagpasalamat at humiling na wag na lang magpakita para mag-welcome, hehehe. Pero seryoso---hanggang ngayon, naniniwala parin ako na kagagawan lahat ng tatay ni Geraldine ang pagtatago ko ng rosas noon, para maging itim na rosas at maialay sa anak niya. END
Posted on: Mon, 22 Jul 2013 11:58:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015