KARAGDAGANG KWENTO NI JUAN PARA SA BUWAN NG OKTOBRE - TopicsExpress



          

KARAGDAGANG KWENTO NI JUAN PARA SA BUWAN NG OKTOBRE 2013 (HALLOWEEN SPECIAL) Ang mga kwento ni JUAN ay kathang isip lamang kung me magkasingtulad sa tunay na buhay, ito po ay nagkataon po lamang....... O, TINGNAN NYO NA ANG MGA TABLE ASSIGNMENTS NYO, diretso pasok na walang briefing, as usual limahan ang ikot sambit ng Pit Manager sa mga dealers ng LAYATT Casino. JUAN, reliever ka ng table 113 at 114 at tsaka 2 pang mesa sa palengke, sila si KUYA VI AT ATE DAWN ang mga fixed sabi ni Tukmolitok. OK sagot naman ni JUAN. ANG TABLE 113 AT 114 ay nasa ika-13 palapag ng casino, ito ay tinagurian Private VIP room, bihira itong aksyonin at kung meron, talagang malakasan, pero maraming mga empleyado na ayaw ma-assign rito-marami kasing nakakakita at nakakaramdam ng mga kung anu-anong kabalaghan sa kuartong ito. Kailangan mo pang sumakay sa lumang mabagal na elavator, lalakad ka ng pakaliwa tapos pakanan at tatambad sa iyo ang isang malaking lumang di-tulak na narrang pintuan, pagpasok mo ay bubulagain ka ng isang napakalawak at napakalaking silid, me chandelier sa gitna, wall to wall carpeted at me pambabae at panlalaki na CR, puno ng salamin ang mga dingding at me mga malagong halaman sa bawat sulok ng silid. Magkatabi sa kaliwang bahagi ng silid ang table 113 at 114, kasya ang sampung kostumer bawat mesa. Naunang pumasok ang dealer na si Ate Dawn(DANNE MAGTUOS sa tunay na buhay) at kasunod si Kuya Vi(VITO KUNGALET sa tunay na buhay), dumating ang Pit Supervisor na si Lorna Ponda at si JUAN......pumasok din ang matandang janitor na si Ka Kulas na nag-umpisang magpunas sa mga silya at lamesa...... Ayoko talaga rito, nakakatakot at napakalamig, marami na akong naririnig na kababalaghan sa kuartong ito, kahapon lang nagtitili si Dlr Dwin me nakita raw siyang biglang tumawid sa harapan niya na mas maitim pa sa kanya, noong nakaraang linggo naman si Maymay nakakita ng gumugulong na pugot na ulo. deklara ni PS Lorna. Baka guni-guni lang yon ng mga inaantok sambit ni JUAN. Halatang hindi umiimik ang dalawang dealer na si Ate Dawn at Kuya Vi halatang iniiwasan ang isat-isa. Matagal na ring hindi nag-iimikan ang 2 dealer simula ng nagbreak ng 1 oras ang isa at gumanti naman ng 1 oras at 15 minutos ang isa at ang pinakamatinding nangyari noong nakaraang buwan kung saan me birthday blow-out sa lounge at isang hiwa na lang ng pizza pie ang natira at sabay dumating ang dalawa at nagpakiramdaman kung sino ang kukuha sa last slice at naunahan tuloy sila ni Tukmolitok na biglang nilamutakan ang kahuli-hulihang slice ng pizza pareho nilang ininda yon at simula noon hindi na sila nag-iimikan at nagbabatian...... Kayo Ka Kulas naniniwala ba kayo sa mga sabi-sabi na haunted room daw itong silid na ito? tanong ni Juan sa matandang janitor. Opo sir, naniniwala po ako dyan, janitor na po ako ng itatag ang building na ito at napag-alaman ko po na ang lupang kinatitirikan ng gusaling ito ay dating sementeryo at noong panahon ng hapon dito po nila pinatay ang mga Huk at marami silang ginahasa at pinatay rito, kaya hindi kataka-takang me nagpapakita na kaluluwang balisa at multo dito sagot ni Ka Kulas. Hindi na umimik si JUAN. Nagrelieve na siya at pinagbreak ang mga lamesang iniikutan.......... 12:05 ng hatinggabi, Maam Lorna break na po ako para makapagkape inaantok na ako siguradong wala tayong kostumer ngayon malakas ang ulan sa labas. sabi ni Juan. Nagring ang telepono sinagot ng PitSu sabay baba ng telepono at nagsambitJuan sabay na tayong aakyat mag-refill daw yong big n small, kayo na munang dalawa rito bilin kina Ate Dawn at Kuya Vi na halos walang naririnig at halatang ayaw pansinin ang bawat isa. Tahimik na tahimik ang silid na iniwanan nila ni Juan, walang imikan sila ni Ate Dawn at Kuya Vi walang pansinan, nag-iiwasang magkatitigan sa mga sarili sa mga salamin sa harap nila, kanya-kanyang lingon. Biglang bumukas ang pinto ng CR ng mga babae at parang me malakas na ihip ng hangin na lumabas at nagalawan ang dahon ng halaman na malapit doon. Nagpipigil sa pagtili ang dalawa pero halatang me takot na namumuo parang kinilabutan si Ate Dawn dahil siya ang malapit sa CR pero hindi siya nagpakita ng nerbyos ayaw niyang mapahiya ki Kuya Vi, si Kuya Vi naman diretso lang pero ang mga itim ng mata ay nasa bandang kaliwa at tinitingnan ng sikreto ang CR sa me salamin. Me nag-flush sa CR na wala namang tao, dinig nilang dalawa yon pero irapan pa rin ang mga bruha. Si Ate Dawn ang unang nakaramdam ng isang malamig na ihip ng hangin na dumaan sa likod niya parang taong dumaan patungo ki Kuya Vi, tumayo ang mga balahibo niya sa batok gusto niyang pagsabihan si Kuya Vi na parang me parating sa kanya pero hindi niya malunok na siya ang unang kikibo pinabayaan lang niya at tumingin lang siya sa reflection nila sa salamin kung ano ang mangyayari. Si Kuya Vi naman ay parang me nararamdaman na malamig na kamay na dumampi sa batok niya pero wala naman siyang nakita na tao sa salamin pigil na pigil ang pagtili niya ayaw niyang mapahiya ki Ate Dawn. Nakatingin lang ang dalawa sa kanilang reflection at sa paligid sa pamagitan ng mga salamin sa dingding, walang imikan, walang galawan puro pakiramdaman lang. Kitang-kita nila sa salamin na parang me sumilip na limang mukha sa andang likuran nila...napasabay ang lingon nila sa likuran...WALA....me narinig silang me tumatawang batang dumaan sa me harapan, lingon sila.....WALA..... halata na ang pamumutla ng dalawa. AAAAAYYYYYYY!!!!!! si Ate Dawn ang unang ngumawngaw ng maramdaman niyang me humawak bigla sa binti niya sa me ilalim ng lamesa at nakisabay na rin si Kuya Vi sa pagtili........DIYOS KO PO!!!!!tulungan nyo po kami sambit ni Kuya Vi......Biglang bumukas ang pinto ng CR ng mga lalaki at biglang me lumalabas na nakalutang na kabaong patungo sa kanila, halos himatayin at parang natuyo ang mga dugo nila sinabayan pa ito ng mga kandilang lumilipad......Biglang kumidlat at kumulog ng napakalakas(@#$#@%^!&^%#) hindi na makakilos ang dalawa at parang yelo na naka-upo lang parang naghihintay na lang ng kanilang nakatakdang nakakilabot na wakas. Ng biglang namatay ang ilaw BROWN-OUT bumukas ang 2 emergency lights sa main na pintuan at sa gilid ng salamin malapit sa CR. Dito na tumayo ang dalawang dealer na suklam na suklam at diring-diri sa bawat isa at nag-akapan....KUYA VI sambit ni Ate Dawn, ATE DAWN sambit ni Kuya Vi habang yapos ang isat-isa at sabay pa silang nagsalita ng Sorry ha............hindi na sila nakapagsalita hindi na sila nakasigaw ng nakita nila sa salamin ang iba-ibang anyo ng mukha na nakatingin sa kanila, ang babaeng nakalutang patungo sa kanila, ang sundalong hapon na me dalang samurai, ang tiyanak na nakangiti at ang humahagikhik na matanda palapit na ng palapit sa kanila....Nag-akapan na lang silang dalawa ng mahigpit pinikit ang mga mata at hinihintay ay karumaldumal na wakas....ang mga malalakas na yabag ng sapatos sa labas, palapit ng palapit at bumukas ang pintuan......Dinilat nila ang kanilang mga mata me ilaw na, wala ng brown-out, wala na ang mga anyo bumalik na sa dati ang kapaligiran pero patuloy pa rin ang pagbukas ng main door ....nakita nila ang mapuputing buhok at ang nakasalaming si Casino Manager KURINGRING at nagsambit Hoy Mga Dodong at mga Daday PUWESTO, sit up straight ang mga kamay sa itaas ng mga mesa...........(bwa ha ha) The End na po!!!!!!
Posted on: Tue, 22 Oct 2013 13:32:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015