Laman sana ito ng SONA Dagdag na trabaho, mapayapang lipunan, - TopicsExpress



          

Laman sana ito ng SONA Dagdag na trabaho, mapayapang lipunan, ser­yosong paglaban sa katiwalian, mababang presyo ng mga bilihin at aminin ang tunay na kalagayan ng bansa. Ito ang ilan lang sa mga gustong marinig ng taumbayan kasama na ang mga mambabatas sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III bukas sa joint session ng Senado at Kamara sa Batasan Pambansa. Narito ang mga ina­asahan nilang laman ng SONA: Valenzuela Rep. Magtanggol ‘Magi’ Gunigundo III: Gusto nating marinig ang kanyang gagawin sa huling tatlong taon ng kanyang termino. 1. Dumami ang bilang ng mga may trabaho. 2. Dumali ang proseso ng pamumuhunan. 3. Mapabilis ang pagpapatupad ng mga proyektong imprastraktura sa transportasyon at 4. Mapaganda ang antas ng edukasyon na may diin sa agham at matematika. Quezon City Rep. Bolet Banal: Personally, I’m hoping na mabigyan ng prayoridad ang Land Use Act na pumasa na sa House of Representatives pero hinadlangan sa Senado. Hanggang kahapon ay abala sa paghahanda ang mga awtoridad sa paglalatag ng seguridad sa ika-4 na SONA ni Pangulong Aquino. (Art Son/Mike Taboy) CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna: Ang gusto ko pong marinig ay programang magbababa at papaabutin ang sinasa­bing progreso sa mga ordinaryong mamamayang Filipino. Navotas Rep. Toby Tiangco: Sana mayroon siyang maipakitang programa na ang mga mahihirap naman ang makinabang sa pag-unlad ng ekonomiya. Kasi sa sinasabing pag-angat ng ekonomiya, puro mayaman lang ang naki­nabang. Sabihin n’ya rin sa mga kaalyado n’ya na huwag silang mag-ChaCha (Charter change). Akbayan partylist Rep. Walden Bello: Na tatapusin na niya ang agrarian reform na naka-schedule sa 2014. ACT partylist Rep. Antonio Tinio: Gusto natin marinig na ipanawagan ni PNoy na pag-abolish sa lahat ng pork barrel funds pati ‘yung sa kanya, pare-refund sa sobrang panini­ngil ng mga kumpanya ng tubig, programa para mapag-aral ang may 1.46 million out-of-school-youth, pagpapataas ng suweldo ng mga public at private school teacher at mga manggagawa sa private sectors. Gabriela partylist Rep. Luzviminda Ilagan: Ia-announce niya na makikialam siya sa scandal ng Maynilad sa MWSS para bumaba ang bayarin sa tubig, taasan ang subsidy sa edukasyon at pangkalusugan at itigil ang relocation. admin xcrid
Posted on: Sun, 21 Jul 2013 13:47:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015